Tuesday, April 20, 2010

Silence means...

Nakasakay ako sa tricycle namin at kakahatid ko lang sa girlfriend ko. Pagod na pagod na ako at antok na antok na ako. Minsan pa nga ay napapapikit ako.

Nang lumiko na kami, sinabi ng driver sa akin, "Ser, pasakayin natin yung babae ha?" Hindi na ako umimik kasi pagod na talaga ako. Eventually, pinasakay rin niya.


Bakit ganun na kapag hindi sumagot ang isang tao sa isang tanong ay kabaliktaran yung sagot? Parang Silence means yes?

Subukan kong hanapin ang sagot dito. For example, tanungin kita ng ganito: Ang mamahal ng mga binibili mo ah? Siguro P30,000/month ang sweldo mo noh? Kung titignan kita at hindi ka sumagot, possible na huhugutin ko ang sagot sa kung ano ang gusto kong sagutin mo. Pero hindi sa lahat ng bagay ay ganun na nga. Marami ang puwedeng sagot dito ng isang tao:

  1. Nasa reaction niya yung sagot (ika nga action is better than the response).
  2. Puwedeng baliktarin niya ang sagot (yan e kung magaling kang mag-control sa mga reactions na puwede mong baliktarin)
  3. Ayaw ka lang sagutin.
Marami ang puwedeng mangyari at maraming puwedeng sagot. Sana hindi lang nating tignan yung silence sa kung ano ang gusto nating marinig na sagot.

No comments:

Post a Comment