Thursday, April 15, 2010

Miss, pa-scan po...

Miss, pa-scan po?

Malamang ay ilang beses na kayong nagpa-scan ng mga pictures ninyo sa isang internet cafe na kahit saan ka man tumingin ay merong internet cafe.

Pero kayo ba ay nagtataka kung bakit mahal ang magpa-scan ng picture sa kanila? Bakit ba ganun? Gaya ng sa netopia na P50/piece ang price nila. O gaya ng isang shop dito na P60/piece ang scan nila. Wala namang output na may malaking cost gaya ng pagprint ng mga pictures. Isang saved file lang naman yun. I bet walang cost yun sa kuryente halos (unless naman e hindi nila papatayin yung scanner nila at sa mga customers nila icha-charge yun).

Pero sana lang, kung may fee ang pag-scan ng mga pictures ay dapat hindi gaano mahal. Sabihin nating P10/piece or P15/piece. Ok na yun siguro. Pero hindi yung P50/piece.

Maawa naman kayo sa aming mga consumers. :(

1 comment:

  1. alam mo sa inis ko, bumili nlng ako ng sarili kong scanner, yung nagpapa scan sakin, libre lng, wala na tuloy nagpapa scan sa computer shop malapit samin, HAHA buti nga sa kanila

    ReplyDelete