Monday, April 5, 2010

Bulag, pipi, bingi

Napapansin ko lang ito lately...well matagal na talaga.


Nasa kultura ba nating mga pinoy na ayaw kumprontahin ang mga taong may issue sa atin? O di kaya e kinikimkim lang yung sama ng loob hanggang sa pumutok?


Marami akong kilalang ganitong tao. Makagawa lang ng mali, ikikimkim yung galit. Sasabihin nilang kakausapin sila, pero wala rin. Kung kakausapin mo o kaya e magso-sorry, sasabihin nilang ok sila. Pero pagkatalikod e iba naman pala ang pakiramdam. Iba ang kanilang mga saloobin sa taong yun.


Ganito ba talaga tayo? Parang nagiging plastik tayo e.


Bakit ba tayo ganyan?!?! Bakit ba maraming mga tao na ayaw ng confrontation? Bakit may mga tao na sasabihing kakausapin sila, then wala ring mangyayari? Hindi ba kayo nahihirapan sa ganitong sitwasyon?

No comments:

Post a Comment