Tuesday, April 20, 2010

Ayusin mo sagot mo..

Part 1

Siguro ay pamilyar tayo sa ganitong scenario, at malamang ay nabasa niyo na ito sa text:

TOP 5 NA MALING SAGOT SA MGA MAAYOS NA TANONG
(taken from http://www.symbianize.com/archive/index.php/t-74708.html):

5.) KUMAIN KA NA BA?
sinasagot ng: BUSOG PA KO EH!


***ang sagot na ito kadalasan sinasagot kung walang pera at wala talagang pangkain pero sana sumagot kayo ng tama eh hindi eh minsan pa may halong sagot na DIET AKO EH.. mukha niyo...


#4.) ANONG ORAS KLASE MO?
sinasagot ng: MAMAYA PA!

***ito pa ang isang kamalian, pag tinatanong tayo kung anong oras klase, sinasabing mamaya pa eh napakahaba kaya ng mamaya... marami ring mamaya parang bukas napakaraming bukas...


3.) BAKIT WALA KA KAHAPON?
sinasagot ng: ABSENT AKO EH!


***oo nga absent ka, kaya nga tinatanong kung bakit di ba?


2.) ANONG ORAS NA?
sinasagot ng: MAAGA PA!

***waaaaaaaaah :panic: maaga pa? mukha mo, oras nga tinatanong... oras... orasssssssssssssssssss!


1.) 'SAN KA NA?
sinasagot ng: PAPUNTA NA!


***oo alam naming papunta ka na... ang tanong nasan ka na amp....
(at guilty ako sa sagot na ito. hehehe. ;) )


Part 2

Minsan ay pamilyar din tayo sa ganitong scenario:
 
Juan: Pare, ililibre kita. Saan mo gusto?
Pedro: Ikaw ang bahala pare, kahit saan e ok lang sa akin.
Juan: Um, MCDO? Jollibee? or Greenwich na lang kaya?
Pedro: Sige, ok lang.
 
 
Part 3
 
Kung ang pwede lang na sagot ay 'Oo' o 'Hindi', ano ang isasagot mo sa tanong na ito:
 
"Hindi ka ba naliligo?"
 
 
 
Sa pananalita nating mga Pilipino, bakit meron tayong hindi maayos na sagot sa mga maayos na tanong (as with parts 1 & 2), at bakit kapag sinimulan ng salitang 'hindi' ang isang tanong e kahit anong sagot mo sa tanong na yon e negatibo pa rin ang sagot?
 
Siguro doon sa part 3 e wala talaga tayong magagawang paliwanag dahil ganun talaga ang konotasyong nasa diksyunaryong Pilipino. Pero dun sa unang dalawang eksena lang ako naguguluhan dahil nga naman maayos ang tanong pero hindi pa rin natin ito mabigyan ng tamang sagot. Siguro dahil tamad tayong sumagot ng tama, o may bagay kang itinatago (tulad na lamang sa 'san ka na' na kung tutuusin e nasa bahay ka palang pala pero sinabi mo nang papunta ka na), o kaya naman dun sa part 2 na masyado nating ipinapairal ang hiya.
 
Itong mga ugaling ganito ay hangga't maaari dapat makontrol para maiwasan natin ang hindi pagkaka-unawaan,miscommunication, di pagkakasundo at kung ano pang klase ng gulong pwede nating maabutan o magawa dahil lang sa hindi maayos na usapan.

No comments:

Post a Comment