Kakapanuod ko lamang kahapon ng pelikula nina Sam Milby at Anne Curtis na pinamagatang, Babe, I Love You. Inpernes sa kanilang dalawa, maayos naman nilang nagampanan ang role nila: si Sam bilang isang mayaman na Architecture professor, at si Anne bilang isang low class promo girl na hindi nakatapos ng pag-aaral, which is something quite unexpected for her.
Hindi ko rin maikakaila na gusto ko ang pelikula nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na BFGF: My Best Friend's Girlfriend. Natuwa rin ako sa roles na ginampanan nila kasi hindi ko nakitaan ng effort. Si Richard ay isang mayamang gimikerong bum habang si Marian naman ay isang mahirap na working student na suma-sideline din para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya niya.
Nagustuhan ko rin ang pelikula nila John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na Very Special Love pati na ang sequel nitong You Changed My Life. Kwento ito ng isang mayamang may-ari ng kumpanya na si Miggy na nainlab sa kanyang maalagang sekretarya (na galing sa isang mahirap na pamilya) na si Laida.
Oops! Wala ba kayong napansin sa mga characters na binanggit ko? Parating mayaman at mahirap ang nagkakainlaban. Tingin niyo, talaga bang ganito sa totoong buhay?
Bakit ganun ang mga sikat na Filipino love story movies? Kahit sabihin natin na medyo iba, pero bakit hindi nagkakalayo ang mga protagonists sa story? Laging ala-Cinderella? At tsaka, aminin mo. Sa tuwing manonood ka ng pelikulang ganito ay sobrang predictable ang storylines. Laging alam mo na kung ano ang magiging katapusan. Laging happy endings. Bakit kaya? Sana naman dumating sa point na makaisip sila ng bagong storyline na hindi mabibigo ang mga tao.
Tulad ng mga indie films. Trailers at teasers pa lang e alam mo namang dapat abangan at hindi dapat ismolin ang kwentong ihahatid nito. Pero bakit hindi ito masyadong advertised sa publiko?
Whatever sense this may make, movies are still part of a Filipino's culture. Pero ang mas mahalaga, suportahan pa rin natin ang lahat ng pelikulang Pilipino.
No comments:
Post a Comment