Saturday, April 24, 2010

Spoiler Alert!!!

I've been a fan of Survivor Heroes vs Villains. At nakakainis kasi may mga kumakalat nang mga boot list sa kung sino ang susunod na matatanggal doon. Pero ang mas nakakainis kasi may mga nagpo-post sa kung sino ang "allegedly" na mananalo doon.

Naisip ko lang: Bakit ganon na may mga spoilers at sobrang sinisira nila yung suspense and thrill of the series? Well, yeah right! May mga ayaw kasing panoorin ang buong series or movie because of some reason. Pero don't they have any respect sa mga gustong mapanood ito? Ano ba ang makukuha nila nito? Na alam nila kung ano ang magiging katapusan nito? Sige alamin na ninyo kung ano ang katapusan. Pero please! Respeto naman sa mga gustong mapanood ito at malaman ang buong kuwento.

Tuesday, April 20, 2010

Pre, CR tayo.

Common na yung eksena na sabay-sabay mag-cr ang mga babae. Common na yung naririnig natin na "Tara cr tayo." "Sige!" Pero naisip ba ninyo na ang sagwang tignan na yung guy e magsasabi sa kanyang kaibigan na, "Pre, cr tayo."

Bakit kaya ganun na kung sa babae, ok lang na sabay-sabay na mag-cr pero kung sa lalake e foul yun? 

Sa mga lalake, meron kasing tinatawag na dude etiquette or guy code. Break one and you're considered as gay. Dapat alam ito ng mga lalake. Kung puwede e kabisado by heart at naa-apply sa mga buhay natin.

Bakit?

Kasi iba tayo sa mga babae. Kumbaga, we are considered as hunters, as strong hold, as sturdy people. We are made to protect our wives and our girlfriends. Alangan namang makita natin na yung babae ang magtatanggol sa atin. Parang baliktad naman ata ang mundo di ba?

Ayusin mo sagot mo..

Part 1

Siguro ay pamilyar tayo sa ganitong scenario, at malamang ay nabasa niyo na ito sa text:

TOP 5 NA MALING SAGOT SA MGA MAAYOS NA TANONG
(taken from http://www.symbianize.com/archive/index.php/t-74708.html):

5.) KUMAIN KA NA BA?
sinasagot ng: BUSOG PA KO EH!


***ang sagot na ito kadalasan sinasagot kung walang pera at wala talagang pangkain pero sana sumagot kayo ng tama eh hindi eh minsan pa may halong sagot na DIET AKO EH.. mukha niyo...


#4.) ANONG ORAS KLASE MO?
sinasagot ng: MAMAYA PA!

***ito pa ang isang kamalian, pag tinatanong tayo kung anong oras klase, sinasabing mamaya pa eh napakahaba kaya ng mamaya... marami ring mamaya parang bukas napakaraming bukas...


3.) BAKIT WALA KA KAHAPON?
sinasagot ng: ABSENT AKO EH!


***oo nga absent ka, kaya nga tinatanong kung bakit di ba?


2.) ANONG ORAS NA?
sinasagot ng: MAAGA PA!

***waaaaaaaaah :panic: maaga pa? mukha mo, oras nga tinatanong... oras... orasssssssssssssssssss!


1.) 'SAN KA NA?
sinasagot ng: PAPUNTA NA!


***oo alam naming papunta ka na... ang tanong nasan ka na amp....
(at guilty ako sa sagot na ito. hehehe. ;) )


Part 2

Minsan ay pamilyar din tayo sa ganitong scenario:
 
Juan: Pare, ililibre kita. Saan mo gusto?
Pedro: Ikaw ang bahala pare, kahit saan e ok lang sa akin.
Juan: Um, MCDO? Jollibee? or Greenwich na lang kaya?
Pedro: Sige, ok lang.
 
 
Part 3
 
Kung ang pwede lang na sagot ay 'Oo' o 'Hindi', ano ang isasagot mo sa tanong na ito:
 
"Hindi ka ba naliligo?"
 
 
 
Sa pananalita nating mga Pilipino, bakit meron tayong hindi maayos na sagot sa mga maayos na tanong (as with parts 1 & 2), at bakit kapag sinimulan ng salitang 'hindi' ang isang tanong e kahit anong sagot mo sa tanong na yon e negatibo pa rin ang sagot?
 
Siguro doon sa part 3 e wala talaga tayong magagawang paliwanag dahil ganun talaga ang konotasyong nasa diksyunaryong Pilipino. Pero dun sa unang dalawang eksena lang ako naguguluhan dahil nga naman maayos ang tanong pero hindi pa rin natin ito mabigyan ng tamang sagot. Siguro dahil tamad tayong sumagot ng tama, o may bagay kang itinatago (tulad na lamang sa 'san ka na' na kung tutuusin e nasa bahay ka palang pala pero sinabi mo nang papunta ka na), o kaya naman dun sa part 2 na masyado nating ipinapairal ang hiya.
 
Itong mga ugaling ganito ay hangga't maaari dapat makontrol para maiwasan natin ang hindi pagkaka-unawaan,miscommunication, di pagkakasundo at kung ano pang klase ng gulong pwede nating maabutan o magawa dahil lang sa hindi maayos na usapan.

Silence means...

Nakasakay ako sa tricycle namin at kakahatid ko lang sa girlfriend ko. Pagod na pagod na ako at antok na antok na ako. Minsan pa nga ay napapapikit ako.

Nang lumiko na kami, sinabi ng driver sa akin, "Ser, pasakayin natin yung babae ha?" Hindi na ako umimik kasi pagod na talaga ako. Eventually, pinasakay rin niya.


Bakit ganun na kapag hindi sumagot ang isang tao sa isang tanong ay kabaliktaran yung sagot? Parang Silence means yes?

Subukan kong hanapin ang sagot dito. For example, tanungin kita ng ganito: Ang mamahal ng mga binibili mo ah? Siguro P30,000/month ang sweldo mo noh? Kung titignan kita at hindi ka sumagot, possible na huhugutin ko ang sagot sa kung ano ang gusto kong sagutin mo. Pero hindi sa lahat ng bagay ay ganun na nga. Marami ang puwedeng sagot dito ng isang tao:

  1. Nasa reaction niya yung sagot (ika nga action is better than the response).
  2. Puwedeng baliktarin niya ang sagot (yan e kung magaling kang mag-control sa mga reactions na puwede mong baliktarin)
  3. Ayaw ka lang sagutin.
Marami ang puwedeng mangyari at maraming puwedeng sagot. Sana hindi lang nating tignan yung silence sa kung ano ang gusto nating marinig na sagot.

Thursday, April 15, 2010

Pilipinong Pelikulang Pag-ibig

Kakapanuod ko lamang kahapon ng pelikula nina Sam Milby at Anne Curtis na pinamagatang, Babe, I Love You. Inpernes sa kanilang dalawa, maayos naman nilang nagampanan ang role nila: si Sam bilang isang mayaman na Architecture professor, at si Anne bilang isang low class promo girl na hindi nakatapos ng pag-aaral, which is something quite unexpected for her.

Hindi ko rin maikakaila na gusto ko ang pelikula nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na BFGF: My Best Friend's Girlfriend. Natuwa rin ako sa roles na ginampanan nila kasi hindi ko nakitaan ng effort. Si Richard ay isang mayamang gimikerong bum habang si Marian naman ay isang mahirap na working student na suma-sideline din para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya niya.

Nagustuhan ko rin ang pelikula nila John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na Very Special Love pati na ang sequel nitong You Changed My Life. Kwento ito ng isang mayamang may-ari ng kumpanya na si Miggy na nainlab sa kanyang maalagang sekretarya (na galing sa isang mahirap na pamilya) na si Laida.

Oops! Wala ba kayong napansin sa mga characters na binanggit ko? Parating mayaman at mahirap ang nagkakainlaban. Tingin niyo, talaga bang ganito sa totoong buhay?

Bakit ganun ang mga sikat na Filipino love story movies? Kahit sabihin natin na medyo iba, pero bakit hindi nagkakalayo ang mga protagonists sa story? Laging ala-Cinderella? At tsaka, aminin mo. Sa tuwing manonood ka ng pelikulang ganito ay sobrang predictable ang storylines. Laging alam mo na kung ano ang magiging katapusan. Laging happy endings. Bakit kaya? Sana naman dumating sa point na makaisip sila ng bagong storyline na hindi mabibigo ang mga tao.

Tulad ng mga indie films. Trailers at teasers pa lang e alam mo namang dapat abangan at hindi dapat ismolin ang kwentong ihahatid nito. Pero bakit hindi ito masyadong advertised sa publiko?

Whatever sense this may make, movies are still part of a Filipino's culture. Pero ang mas mahalaga, suportahan pa rin natin ang lahat ng pelikulang Pilipino.

Miss, pa-scan po...

Miss, pa-scan po?

Malamang ay ilang beses na kayong nagpa-scan ng mga pictures ninyo sa isang internet cafe na kahit saan ka man tumingin ay merong internet cafe.

Pero kayo ba ay nagtataka kung bakit mahal ang magpa-scan ng picture sa kanila? Bakit ba ganun? Gaya ng sa netopia na P50/piece ang price nila. O gaya ng isang shop dito na P60/piece ang scan nila. Wala namang output na may malaking cost gaya ng pagprint ng mga pictures. Isang saved file lang naman yun. I bet walang cost yun sa kuryente halos (unless naman e hindi nila papatayin yung scanner nila at sa mga customers nila icha-charge yun).

Pero sana lang, kung may fee ang pag-scan ng mga pictures ay dapat hindi gaano mahal. Sabihin nating P10/piece or P15/piece. Ok na yun siguro. Pero hindi yung P50/piece.

Maawa naman kayo sa aming mga consumers. :(

Monday, April 5, 2010

Bulag, pipi, bingi

Napapansin ko lang ito lately...well matagal na talaga.


Nasa kultura ba nating mga pinoy na ayaw kumprontahin ang mga taong may issue sa atin? O di kaya e kinikimkim lang yung sama ng loob hanggang sa pumutok?


Marami akong kilalang ganitong tao. Makagawa lang ng mali, ikikimkim yung galit. Sasabihin nilang kakausapin sila, pero wala rin. Kung kakausapin mo o kaya e magso-sorry, sasabihin nilang ok sila. Pero pagkatalikod e iba naman pala ang pakiramdam. Iba ang kanilang mga saloobin sa taong yun.


Ganito ba talaga tayo? Parang nagiging plastik tayo e.


Bakit ba tayo ganyan?!?! Bakit ba maraming mga tao na ayaw ng confrontation? Bakit may mga tao na sasabihing kakausapin sila, then wala ring mangyayari? Hindi ba kayo nahihirapan sa ganitong sitwasyon?

Sunday, April 4, 2010

Proudly Pinoy Ka Ba?

Sa kainitan ng issue ni Adam Carolla kay Manny Pacquiao (nandito yung article: http://donavictorina.blogspot.com/2010/04/adam-corollas-racial-assault-on.html), naisip kong sobrang insulto ito sa atin bilang isang Pinoy. Pero nalaman ko na may mas nakakainsulto itong pinabasa sa akin ng girlfriend ko.  Hindi lang dahil sa nandito na naman yung mga insulto sa ating mga Pinoy, pero dahil naisulat ito ng isang Pinoy mismo. Here's the article:


Who wants to be a Filipino?

If you were to be reincarnated and given the choice, would you opt to be Filipino again? It was in 1998, at a Forum of students of top schools at the University of Asia and the Pacific, that I raised this question. As expected, everybody, except me, gave a resounding yes for an answer.

Hypocrites! I could see from the way they talked, from the clothes they wore, from their ideas of what was good and beautiful, that even in this lifetime they were dying to camouflage their being Filipino. Thanks to Ralph Lauren, a colonial education and a "trying-hard" American accent.

I told them that I want to be European, a Frenchman more specifically. Yes, Europe--with its rich history, solid identity, and all the luxury and elegance this world could offer.
I have been there once for the world debates in Greece. But being Filipino, I was a disaster then. During socials, I would befriend the Jamaicans so I would stand out. But it was a wrong move because Jamaicans, notwithstanding their darker skin tone, are very secure with themselves.

When I and fellow Filipinos were walking in downtown Athens, a young Greek approached our group and casually told us that he intended to go to the Philippines to f--k Filipinas. Then he kept on asking us: "How much are Filipinas?"

Did he expect us to adore him because a fine European like him wanted to visit a country whose people they officially defined as Domestic Helpers? Or was he simply being mean? I wish he were just referring to the controversial brown biscuit.

Hellish traffic, hellish climate, hell-sent politicians, gangsters in uniform, hoodlums in robe, massive unemployment, inhumane poverty, identity crisis, a tradition of mediocrity. Get real. Who would want to be Filipino? Maybe the Cojuangcos, the Sys, the Tans and the other demigods whose surnames do not sound Filipino at all. But this Yumul, no.
My Uncle Jessie is lucky: he and the whole family migrated to the United States in the early 1970s, to graze where the grass is greener and live there as second class citizens but occasionally come home like gods crowned with sparkling dollars.

Then there is Me-Ann, one of the tinderas in our small business. She thinks that her main purpose in life is to go to Taiwan and earn money she will never earn in a lifetime of labor in the Philippines. I feel sad to know that Me-Ann and millions of Filipinos have to leave the country just to live decently. Some say though that despite our material poverty, we could take pride in our spirituality since the Philippines is the only predominantly Christian country in Asia. But it continues to puzzle me why this Catholic Nation has only produced two saints so far while Thailand, Japan and China--all non-Christian countries--have more. Maybe, unlike Filipinos, people from those nations have more sensible things to do than creating miracles by desperately looking for images in the stains of tree trunks and forcing statues to shed bloody tears.

I have always been pessimistic about the fate of the Filipino. But there was a break. I gave in to the Nationalistic Spirit during the Centennial Celebrations. When fireworks, worth millions of pesos, lit up the skies over the Luneta, I had high hopes that the Philippines would be better and I decided to junk my pessimism. I thought a new era of Filipino pride had dawned.

In my college years, I was also influenced by San Beda's thrust of molding young men in the image of a true Filipino like some of its alumni whose ranks include Ninoy Aquino, Rene Saguisag, Ramon Mitra, and Raul Roco, who should have been the president of this country.

Yes, for some time, I was deluded into being proud of being Filipino. Thanks to President Erap, I have recovered my senses. His Excellency has betrayed the people's trust so many times that I need not elaborate. Erap has become for me the symbol of everything that is bad in the Filipino. In his administration, corruption and chaos have become the norm so that writing about it would only bore the reader. It's just too bad for the nation but good for me since I got back my precious pessimism.

Now I am firmly convinced that Erap has to resign to save what is left of our dignity as a nation and what is left of my optimism as a young man. But, I guess he will never do that. Congress is dominated by honorable galamays, impeachment is an impossibility. A military coup could save the day for the country, but, in that case, Uncle Sam is sure to defend his friend who handed him the Visiting Forces Agreement. Now, we are left with assassins to play heroes. If one saves the lives of millions, would he not go to heaven? But then Erap need have no fear about an assassination plot. Imelda, despite all the crimes her family committed against the Filipino people, has never been hurt. Not even a strand of her regal hairdo has been touched. But of course, there are always firsts.

According to Hindu philosophy, what you sow in this life, you would reap in the next and whatever you are now is a reaction to your past. Could it be that all Filipinos were crooks in their earlier incarnations? If there is any reason why I try to do well in this life, it is in the hope that in my next, I would be a Filipino no more.

If it would not be too much to ask, I wish I would be French, or even Jamaican, before Jinggoy Estrada becomes president of this wretched land.
Hay... Bakit ba tayo ganito? Bakit sa kung sino pa ang kalahi e tinutulungan pa niyang pabagsakin ang bansa imbes na tulungan itong makaahon?

Naalala ko tuloy yung isang tawag ng isang babae sa Citibank. Sigurado akong Pinay ito kasi nagtatagalog. Hindi ko na ikukuwento lahat, pero hanapin ninyo sa youtube yung sinasabi ko.

Sa mga Pinoy na gaya ko, MAHIYA KAYO SA MGA BALAT NINYO!!!! NAG-AASAL HAYOP KAYO AT KINAKALIMUTAN NINYO NA ANG PILIPINAS ANG BUMUHAY SA INYO!!! 

Saturday, April 3, 2010

Jessica de Leon III?

Tirso Cruz III
Benigno Aquino III


Ano ang pagkakapareho nila bukod sa mga The Third?

Lahat sila ay mga lalake. At lahat sila ay mga pangalan ng mga lalake.

Naisip ko lang: Meron kayang mga babae na kapangalan nila yung kanilang mga nanay? Parang merong Jessica de Leon Jr., or Jessica de Leon III? Bakit puro sa lalake lang ang puwedeng magkaroon ng Jr o kaya The Third?


Ang alam ko na pagdating sa mga pangalan para sa mga bata, uso na yung pangalang lalake sa mga anak nilang lalake gaya ng kaklase ko dati na Jaime ang pangalan. O kaya yung isang kakilala ko na Lee ang kanyang pangalan.


Bakit hindi kaya simulan na magkaroon ng Jr. o The Third ang mga nanay? Parang Geronica Gesmundo Jr. :)


Bakit hindi noh? Mas ok siguro. :)

Friday, April 2, 2010

Da Original Buko Pie

Kung kayo po ay mapapadpad sa Laguna o kaya sa Tagaytay, mapapansin ninyo ang hele-helerang mga tindahan ng buko pie. Kung minsan, may aakyat sa bus ninyo o mag-aalok sa inyo na bumili ng kanilang buko pie. 

Masarap nga naman ng buko pie e. Mas gusto ko yung medyo malabot pa at hindi tinitipid yung buko. Gusto ko rin yung hindi masyadong matamis at hindi nakakasawang kainin. Para sa akin nga e, masarap yung Mazapan Sweets (sana may makabasa nito).

Pero kung mapapansin ninyo sa mga hele-helerang mga buko pie stores, isa lang ang common sa kanila. At ito rin ang gusto kong itanong.

Bakit ang daming The Original Buko Pie? Kasi kung puro lahat sila e The Original, nasaan ang pinaka-original? Imposible naman na lahat sila e original. Dapat may nag-iisang tindahan na may tunay at orihinal na recipe ng buko pie.

Matatawa na lang kayo kung iisipin ninyo. Pero para sa mga tindera ng mga buko pie, sana naman wag ninyong lituhin ang mga mamimili ninyo sa kung sino sa inyo ang may orihinal na buko pie. :)