Monday, March 29, 2010

Wala namang malisya..

Wala nga ba talaga?

Nakagawian ko na ang magpa-spa sa Trimline Spa: Hair and Skin Clinic na malapit lamang sa aming bahay. Mura dito, magaganda ang facilities, at friendly naman ang mga masahista.

At sa oras na ng masahe, ang mga babaeng customers ay pinapatanggal ng lahat ng suot (Yes. Hubo't hubad, pero nakatakip naman ng tuwalya at night light lamang ang liwanag sa kwarto), pero ayos lang naman yun kasi babae naman ang masahista. Wala namang malisya.

Pero kwento saken ng aking boyfriend eh kapag minamasahe siya dun eh naka-shorts siya. Siyempre, kasi babae yung masahista. Ang bastos naman kung halimbawang ipapakita pa ng lalake ang kanyang pribadong parte ng katawan sa babaeng hindi naman niya kilala.

Hindi ko alam kung sa ibang mga spa e hubo't-hubad din ang trato sa mga lalake tapos lalaki rin ang masahista. Tinanong ko rin ang bf ko na pano kung lalake na ang masahista e papayag pa ba siya.

Ayaw niya.

Bakit ganun? Pag babae sa babae ang usapan, kahit ipakita pa ang mga pribadong parte ng katawan e kiber lang, pero kung lalake sa lakae na eh parang naiilang sila? Ganun ba kataas ang mga pride ng ibang mga lalake para talagang hindi ipakita sa kahit na sino pang lalaki ang kanilang itinatagong yaman? Ganun na lang ba ang takot ng mga straight guys na baka bading na pala ang tumitingin sa ari nila? O may iba pang pwedeng maging dahilan?

Saan bang spa ang may lalaking masahista? Matanong nga ang issue na ito...

No comments:

Post a Comment