May mga bagay ba kayong hindi maintindihan? O mga bagay na nakakapagtaka? Pag-usapan natin dito. Kasi kahit kami e gusto naming malaman kung Bakit Ganon.
Wednesday, March 17, 2010
Kawawa naman si Batman
"Bahala na si Batman!"
Isang common na kasabihan ng mga tao ngayon, lalo na kapag hindi na nila alam ang kanilang gagawin o kung aasa na lang sa pagkakataon.
Pero naisip ba ninyo kung bakit si Batman na lang? Bakit hindi puwedeng si Superman? O si Wonder Woman? O di kaya si Ironman (ipapalabas nga pala yung Ironman 2 dito sa Pinas sa April 2010)?
O di kaya locally. Bakit hindi, "Bahala na si Panday", o di kaya, "Bahala na si Darna"?
Siguro kung may totoong "Batman", magtataka yun ng husto. Malamang yan ay magtatanong yan ng ganito:
BAKIT AKO NA LANG?!?! ANO BA ANG KINALAMAN KO DIYAN SA MGA PROBLEMA NINYO?!?! BAKIT LAGI NA LANG AKO?!?!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kase sa palabas ni batman nasabi rin yan ng mga tao..
ReplyDeletena bahala na si batman..
:D
kaya nga siya ang tinaguriang - Dark Knight ng city nila dba?
:D