Dito sa kumpanya namin, ang aming bossing ay isang Indian. At bahagi ng patakaran dito sa amin e hangga't maaari, bawal magsalita ng Tagalog kapag siya'y nasa paligid. Sa kanya na rin nanggaling na kung pwede eh pag nandito siya, kelangan magsasalita ng English ang mga tao dahil totoo nga namang nakakabastos kung magsasalita kami dito sa harap niya ng wikang hindi naman niya naiintindihan.
Pero ang gumugulo lang sa isip ko, e kung bakit kelangan tayo pang mga Pilipino ang laging mag-aadjust sa mga dayuhan na napapadpad dito. Dahil ba matatalino tayong mga Pilipino at sa bilingual tayo? Pwede. Pero, hindi ba pwede na silang mga dayuhan naman ang gumawa ng paraan? Halimbawa, katulad ng boss namin na aking nabanggit. Kung hindi ako nagkakamali eh mahigit isang taon na siya dito. Hindi pa ba siya nakakaunawa ng mga basic na Tagalog words? Imposibleng hindi pa, at idagdag niyo na rin ang nasagap kong chismis na ang gf niya ay isang Pilipina.
Naniniwala ako na dapat eh kahit paano mas madali na siyang nakikisama hindi lang sa amin, pero sa kahit pa sinong Pilipino na makakasalamuha niya. Kasi siya rin naman ang talo eh. Hindi naman niya makokontrol ang lahat ng Pilipino sa paligid niya na mag-adjust para lang sa kanya. Wag sana niyang kalimutan na siya ang hindi taga-rito, at siya ay isang bisita lamang.
No comments:
Post a Comment