Thursday, March 25, 2010

On Gays and Homosexuals

Pauwi ako nung mga oras na yun nang makita ko itong poster na ito sa isang kalsada. Medyo nainis ako dito kasi sobrang pang-asar sa mga bading e.

Inis lang ako sa sobrang diskriminasyon sa kanila. I'll expound on this more. But the main point is this: BAKIT SOBRANG INIINSULTO NATIN ANG MGA HOMOSEXUALS, ESPECIALLY YUNG MGA BADING?

I'll be writing in line sa mga bading.
First and foremost: Hindi nila kasalanan na maging bading sila. I bet sometime in their lives, something happened to them like someone molested them, o di kaya walang strong father figure sa house kaya ganun, o di kaya noong bata pa sila e binugbog sila ng tatay nila kasi nagbabading-badingan sila (gaya ng naging karanasan ni Rustom). Maraming mga bagay na puwedeng i-point na dahilan. Pero kung sila din lang, malamang sa hindi e ayaw nila sa kanilang sitwasyon.

Second: Tao rin sila. Ito siguro ang hindi maintindihan ng ibang mga tao. Minsan, iniisip nila na mga surot o sakit sa buong lipunan. Parang isang ketong na magiging bading ang mga batang nakikipaglaro sa mga bading. No wonder na pati yung mga bata ay sinisigaw nilang bading ang mga tao kapag alam nilang bading sila.

Walang problema sa akin kung may mga kaibigan akong bading. Ang hindi ko lang siguro masisikmura e yung mga sexually-active na mga bading. Bakit? Kasi alam ko na hindi tama ang ginagawa nila. Ika nga sa isang kasabihan: Adam is for Eve and never for Steve. Pero tinutulungan ko sila kahit paano na bumalik sa tamang landas sa kanilang tunay na kasarian.

Sana mabasa ito ng mga taong galit sa bading. Sana mabasa ito ng mga bading na rin para mas maintindihan nila ang tunay nilang pagkatao.

No comments:

Post a Comment