Hindi ko napigilan ang sarili ko na magsulat agad. Pero sa tignin ko e nararapat na rin itong isulat.
Nagsusulat ako ng aking mga reflections sa Stations of the Cross nang marinig ko ang ganitong usapan:
Girl (nakatingin sa facebook profile): Yan ba ang bf ni Cristy (hindi tunay na pangalan)?
Boy: Oo. Siya nga
Girl: Kadiri naman! Mukha siyang katulong.
At ang usapang ito ay narinig ko kasi malapit lang sila sa akin. As in, isang mesa lang ang pagitan (usisero noh?).
Pero bakit ganon? Bakit dapat maganda pareho ang isang couple? Like, kung maganda ang girl, dapat gwapo ang guy?
Sa totoo lang, minsan ganun ako mag-isip. Dapat nababagay lang sa isang magandang babae ang isang macho't gwapong lalake at hindi gaya ng lalake na nasa litrato. Mukhang...hindi ko alam kung anong mukha yan (evil laugh).
Ayan! Aaminin kong ganun din ako makapanglait. Siguro kasi ito ang dikta ng ating lipunan: na ang maganda ay para lang sa isang maganda at ang panget ay tinatapon na lang. Ika nga, mga Best Buy lang. Pero nakakalimutan natin ang aspeto ng personalidad ng isang tao. Nakakalimutan natin na ang ating hitsura ay pangharap lang, lalo nga sa mga babae. Gaya ng laging sabi ng isang pari, "Kung ngayon ay sing-ganda siya Cristine Reyes o ni Megan Fox, makalipas ng 15 years e mukha na siyang dinosaur sa Jurassic Park."
Pero, dapat bang ganito tayo? Dapat bang ipagpatuloy ang ganito?
Kayo na ang makakasagot niyan.
No comments:
Post a Comment