Tuesday, March 30, 2010

Manong Taxi

Bakit ba ang mga taxi dito ay sobrang kurakot, sobra kung makapaningil ng bayad, sobra kung makapamili ng mga pasahero? Hindi ba't dapat itong mga taxi drivers ay dapat magserbisyo sa bayan at hindi pagserbisyuhan ang kanilang mga sarili? 

Minsan ay pauwi kami nun ng gf ko nang kumuha kami ng taxi. Sinabi namin kung saan kami saan kami bababa. Nang kami ay sumakay sabay humirit siya ng pa-dagdag ng P20. 

Uminit ng husto yung ulo ko! Bakit pa kailangang magdagdag e yung bababaan namin ay marami ding mga pasahero na naghihintay ng taxi? Tsaka, hindi siya kalayuan kasi 10-15 minutes lang ang travel time?

Naalala ko bigla na may isang DJ sumakay ng taxi na sobrang taas maningil. Nang napansin niya ito, ang ginawa ng taxi driver ay pinatay niya ang metro. Siyempre, badtrip yun di ba?

Heto pa raw ang mas malala: Hindi siya nagsusukli ng tama!

At ang plate number? TYE-514

At may latest pa akong nasakyan. Sturdy Taxi TWS-736

Bakit kayo ganyan? Bakit sila ganyan? Alam naming mahirap talaga yung trabaho ninyo, pero wag ninyong nakawan ang taong-bayan. Nagbabayad kami ng tama, at kung minsan ay dinadagdagan pa namin. PERO WAG NINYONG ABUSUHIN KAMI!!!!!

Monday, March 29, 2010

Can You Fhil It?

Disclaimer: Pagpasensyahan na po ninyo yung nakuha kong picture. Sana po ay mapagtiisan ninyo (evil laugh).

Khayo bah ay nagtatakah rin gaya ko kung bahkit tayong mga Pinoy ay sobrang hilig sa letter h? Laloh nah sah mga pangalan gaya ng Jhem, Bhong at Rhyan? Oh dih khaya yung mga salitahng uztah? Bahkit bah ghanon nah ang hilig nahtin sah letter H? Nagtutunog bahgong yohsi at minsan ang hirap basahin. Nauubusan ako ng hiningah at parang nahihirapan. Oh dih kayah eh nagtutunog malandeh!

* Uboh, uboh!

Bhakit hindi nah lang kayah ghamitin yung kanyang orihinal na phangalan gayah ng Jem, Bong o Ryan? Mas matinoh siyang basahin at hindi siyah mahirap bigkasin. O kaya yung salitang uztah e dapat musta? Nahahalata kayong mga Jejemon e (nakalimutan ko ang ibig sabihin nito).

Hindi koh talagah itoh maintindihan. Sanah bigyan ninyoh ito ng liwanag.

I beg your pardon?

Dito sa kumpanya namin, ang aming bossing ay isang Indian. At bahagi ng patakaran dito sa amin e hangga't maaari, bawal magsalita ng Tagalog kapag siya'y nasa paligid. Sa kanya na rin nanggaling na kung pwede eh pag nandito siya, kelangan magsasalita ng English ang mga tao dahil totoo nga namang nakakabastos kung magsasalita kami dito sa harap niya ng wikang hindi naman niya naiintindihan.

Pero ang gumugulo lang sa isip ko, e kung bakit kelangan tayo pang mga Pilipino ang laging mag-aadjust sa mga dayuhan na napapadpad dito. Dahil ba matatalino tayong mga Pilipino at sa bilingual tayo? Pwede. Pero, hindi ba pwede na silang mga dayuhan naman ang gumawa ng paraan? Halimbawa, katulad ng boss namin na aking nabanggit. Kung hindi ako nagkakamali eh mahigit isang taon na siya dito. Hindi pa ba siya nakakaunawa ng mga basic na Tagalog words? Imposibleng hindi pa, at idagdag niyo na rin ang nasagap kong chismis na ang gf niya ay isang Pilipina.

Naniniwala ako na dapat eh kahit paano mas madali na siyang nakikisama hindi lang sa amin, pero sa kahit pa sinong Pilipino na makakasalamuha niya. Kasi siya rin naman ang talo eh. Hindi naman niya makokontrol ang lahat ng Pilipino sa paligid niya na mag-adjust para lang sa kanya. Wag sana niyang kalimutan na siya ang hindi taga-rito, at siya ay isang bisita lamang.

Wala namang malisya..

Wala nga ba talaga?

Nakagawian ko na ang magpa-spa sa Trimline Spa: Hair and Skin Clinic na malapit lamang sa aming bahay. Mura dito, magaganda ang facilities, at friendly naman ang mga masahista.

At sa oras na ng masahe, ang mga babaeng customers ay pinapatanggal ng lahat ng suot (Yes. Hubo't hubad, pero nakatakip naman ng tuwalya at night light lamang ang liwanag sa kwarto), pero ayos lang naman yun kasi babae naman ang masahista. Wala namang malisya.

Pero kwento saken ng aking boyfriend eh kapag minamasahe siya dun eh naka-shorts siya. Siyempre, kasi babae yung masahista. Ang bastos naman kung halimbawang ipapakita pa ng lalake ang kanyang pribadong parte ng katawan sa babaeng hindi naman niya kilala.

Hindi ko alam kung sa ibang mga spa e hubo't-hubad din ang trato sa mga lalake tapos lalaki rin ang masahista. Tinanong ko rin ang bf ko na pano kung lalake na ang masahista e papayag pa ba siya.

Ayaw niya.

Bakit ganun? Pag babae sa babae ang usapan, kahit ipakita pa ang mga pribadong parte ng katawan e kiber lang, pero kung lalake sa lakae na eh parang naiilang sila? Ganun ba kataas ang mga pride ng ibang mga lalake para talagang hindi ipakita sa kahit na sino pang lalaki ang kanilang itinatagong yaman? Ganun na lang ba ang takot ng mga straight guys na baka bading na pala ang tumitingin sa ari nila? O may iba pang pwedeng maging dahilan?

Saan bang spa ang may lalaking masahista? Matanong nga ang issue na ito...

The Atenean Mentality.

Gusto ko lang itong i-share itong email na natanggap ko way back August 2002 about "The Atenean Superiority Complex". Itong mga mababasa ninyo e un-edited.

In the same way, LaSallians are proud to be from La Salle. And the UP Maroons are proud to have studied in UP, and the students from FEU, UST, Adamson, National University, and the University of the East, I'm willing to bet, are proud of being from their respective schools. That's natural. That's fine.

But there's something wrong with the way Ateneans project their pride. To them it's like they're better because they're from Ateneo. When they are defeated, they look at the trophy they failed to win and then they look at the winner and they say, "At least, we're from THE Ateneo". And the rest of us look at them and think, "So what?"

The worst part is these jerks don't get it that we don't get what they're so fucking proud of. They say stuff like "I have a diploma from Ateneo" or "I graduated from Ateneo". Big fucking deal. We all have or will have diplomas. We all graduated or will graduate from somewhere. What are they trying to say?

That their diploma is better than ours? Why the fuck would that be? Because they come from an extremely proud school? But what exactly are they proud of? Losing? In what field does Ateneo excel above all others? I really want to know. They're obviously not the most athletic school. There is no evidence that they're better than any of the top schools in the Philippines, academically speaking. Where did they get that idea anyway? That they have superior academics? What kind of grass are they growing in those fields? And why is their administration letting them smoke it?

And why do they refer to their school as "THE Ateneo". What kind of fucked up English are they teaching there? Not even the biggest universities in the United States refer to themselves this way. Ever hear anyone say that they graduated from "THE Harvard" or that they have a degree from "THE Stanford". If we follow their logic, then I guess we can now refer to "THE Adamson" and "THE Far Eastern". You motherfuckers. Where did they teach you to use the word "THE" anyway? What dickhead of a professor told you it's okay to use "THE" before a proper noun? Do you know when "THE" is commonly used before a proper noun? When you refer to something totally distinct. Like "THE Michael Jordan". So when you motherfuckers refer to "THE Ateneo", I guess we should all just assume that you're referring to that school on Katipunan with the turkey on the gym? And not the Law School or some Ateneo school God-knows-where. Because otherwise, we'd have to reach the conclusion that you actually believe your school to be above the.

And that, motherfuckers, is just pure arrogance considering there is NO proof that it is.

Believe it, assholes. Only in Ateneo is Ateneo "THE Ateneo". Everywhere else, Ateneo's just another school. Don't go claiming you're better unless you can prove it. And no, shitheads, it's not enough to say you're from "THE Ateneo" because like I said, only you give a fuck. All that means is that you have decent grades (maybe), have moneyed parents and/or know the right people. But that's most of us too, motherfuckers.

Except we don't have a bad attitude. Don't call yourself our archrivals. Archrivals are supposed to be on the same level. You are not. While we're dancing with the angels, you're about a hundred million levels below shit.  "Men for others," my ass. You dickheads are the most self-absorbed group of myopic outcasts I've ever seen. Just ask any school. People may hate De La Salle because we kick ass. But they definitely hate you because you guys are just that... asses.



This is an Atenean's reply:

While Celine would take it as something to reflect upon... ako id like to answer it in a parallel manner. Wala ako magawa so... trying out my parallel essay eklat.. hehehe sorry for the offensive words.. kaasar lang talaga... newei... hea it goes!!!

A reply to : Atenean Superiority Complex : What's the source of all this pride?

Fellow Ateneans, we cant just keep quiet like this. Enough's enough, we've been targetted too much. This is the line drawn. Allow me to step down from the heavens and give time in answering this pathetic person's attempt to fuck reality.

Yes deary. Ateneans are proud to be Ateneans and thats hella fine. Thats quite wonderful. And as you said, there's ABSOLUTELY NOTHING WRONG WITH IT.

And i Agree with you in saying that all the other schools are also proud to have studied there. Right? Thats natural! Thats fine.

But there's something wrong with the way WE project our pride? There goes your mistake Miss beautiful. We're not saying we are better but since you opened this up, might as well go with your stupid flow. When we do not win a trophy, we look at it and say. "At least we're from the Ateneo." and we did our best. We don't go fumbling about telling people "WE GOT CHEATED" or "TSAMBA LANG YAN" like some pathetic excuse of a university does. We take it as a challenge and so what. At least we're from the ateneo that we were taught not to FUSS over shitty topics like these. We look at you guys and say " SO what? WE DONT CARE WHAT YAH THINK."

Yes you might graduate somewhere and also probably get a diploma for having such a freakin mind. But God, go to an office and present your EQUAL diploma and we'll see what they say. Besides that didn't come from us, ASK AROUND. or maybe USE YOUR GOD DAMN COMMON SENSE, Where were you when God was giving away brains? Did you hide somewhere? Coz i dont see signs of that WONDERFUL gift. Got beautiful words, quite inspiring but nonetheless SHIT.

Im getting tired of answering your freakin assumptions. Our diploma is better? Stop implying. What exactly are we proud of? Coz we are in a good school. TOO BAD YOU DONT FEEL THE SAME. We are not the most athletic school, but we still made our name in different sports and we take care of our athletes. WE don't go around BRIBING rival athletes into our core. Thats way BULL! Academically speaking? HELLO?! EARTH TO THIS AUTHOR?! WHERE HAVE YOU BEEN?! GOT LOST FOR 15 YRS INSIDE YOUR ASS?! There is practically no point in answering this academic issue. Maybe you just need to open your eyes and breathe the fresh air coz with the way you are presenting your guesses.. i can say you've been away from your rational mind for a long time, A VERY LONG TIME. And oh.. we dont smoke our grasses. Maybe you do, but we dont, we take care of them and i dont see much grass in your school either. STOP SHOVING IT INSIDE YOUR LUNGS I GUESS.

Why "THE" Ateneo? Coz we like it that way. Why? inggit kayo? God, you can use it too, we DONT OWN it if thats your point. so stop bitchin around. aqnd hello, "THE" before a proper noun? have you ever heard of "going to the PHILIPPINES?" going to "THE" United States? DUH! UR MAKING GOOD USE OF YOUR SIMPLISTIC BRAIN AGAIN. Its not our fault that you are not that well informed of your english. The next time you write a "SARCASTIC" essay, CONFIRM WITH YOUR TEACHER. Arent you ashamed that people read this and they'll see how TRYING you are? MAGTAGALOG KA NALANG!

Now ain't the ATENEO distinct? aint DLSU distinct? DUH! BRAINS AGAIN FREAK?! Turkey? oh cmon, does that look like a turkey? have you by any chance encountered ZOOLOGY in your very EXTENSIVE PARALLEL education?! Ask 10 people if that looks like a turkey and if you get 10 people? LUCKY YOU! YOU MUST BE IN TASADAY COUNTRY! School ALONG katipunan not ON katipunan, we dont have classes BESIDE main roads, (Like some GOOD schools. *ahem*) ESPECIALLY NOT ON them. As what i've said consult with your extremely good english professors first before you send something like this. Ateneo School GOD KNOWS WHERE? well.. *hint* *hint* of course God knows where and like EVERY OTHER PERSON IN MANILA THAT'S SOMEONE. Ever been to a place called ROCKWELL? or Just cant afford it. Ever heard of Makati? tsk tsk, pretending to be an elitist yet falters. How i wish you'd just shut up. Sorry that our school aint set up SOMEWHERE you'd be familiar of. Don't worry we'll propose to have one built in the outskirts of Bacnotan or somewhere. There you go again with your beautiful statements that make me fall in love with you. ABOVE THE REST?! are you talking geographically wise or just another one of your WITTY or lemme say SHITTY remarks?

This is not pure arrogance, but extremely pure STUPIDITY considering there is NO proof that we are what you call we are.
Yes we do believe that only in Ateneo is it "The" Ateneo, because we like our school, we refer to it as something distinct and we treat it with this certain formality. If we're the only ones who give a fuck, then why the hell would you spend time in making this SHITTY essay that practically complies with one essay we've read for ENGLISH. "HOW TO SAY NOTHING IN FIVE HUNDRED WORDS." Maybe we do have decent grades (do you?), maybe we might have moneyed parents  (im sure you do), maybe we know the right people(that wouldnt be you). Thats most of you? THEN WHY THE HELL ARE YOU SO FREAKY WITH THIS. Uhm excuse me, motherfuckers? cmon.  There's one thing they should teach you. VALUES.

You dont have a bad attitude, yes. YOU HAVE THE WORST KIND OF ATTITUDE POSSIBLE.

You call us your archrivals. Dancing with the angels? oh cmon, you'll never get that close. Lucifer was an angel. Um.. so maybe you might be right. Hundred Million Levels below shit? So a Hundred Million levels below you guys. Better there than anywhere near you inconsiderate, pridish excuses for university goers.

"Men for others." Yes! who's so self-absorbed in opening up something like this. ARE YOU BORED OR SOMETHING or you just really cant put your brain up for anything else rewarding. Now peeps, who's so pathetic and who's so self-absorbed. Whew, scary words huh, i dont even think you know what myopic means. People may hate ateneo coz u say we are asses. Might agree with you there. Maybe we are asses. But People hate De La Salle because you kick ass? I think i'd have to contest to that.. Kick ass? or Kiss ass? Just ask any school. :)

 
Hay... BAKIT KAYA GANYAN KAYONG MGA ATENISTA? T_T

Friday, March 26, 2010

Beauty and the Beast

Hindi ko napigilan ang sarili ko na magsulat agad. Pero sa tignin ko e nararapat na rin itong isulat.

Nagsusulat ako ng aking mga reflections sa Stations of the Cross nang marinig ko ang ganitong usapan:
Girl (nakatingin sa facebook profile): Yan ba ang bf ni Cristy (hindi tunay na pangalan)?
Boy: Oo. Siya nga
Girl: Kadiri naman! Mukha siyang katulong.
At ang usapang ito ay narinig ko kasi malapit lang sila sa akin. As in, isang mesa lang ang pagitan (usisero noh?).

Pero bakit ganon? Bakit dapat maganda pareho ang isang couple? Like, kung maganda ang girl, dapat gwapo ang guy?

Sa totoo lang, minsan ganun ako mag-isip. Dapat nababagay lang sa isang magandang babae ang isang macho't gwapong lalake at hindi gaya ng lalake na nasa litrato. Mukhang...hindi ko alam kung anong mukha yan (evil laugh).

Ayan! Aaminin kong ganun din ako makapanglait. Siguro kasi ito ang dikta ng ating lipunan: na ang maganda ay para lang sa isang maganda at ang panget ay tinatapon na lang. Ika nga, mga Best Buy lang. Pero nakakalimutan natin ang aspeto ng personalidad ng isang tao. Nakakalimutan natin na ang ating hitsura ay pangharap lang, lalo nga sa mga babae. Gaya ng laging sabi ng isang pari, "Kung ngayon ay sing-ganda siya Cristine Reyes o ni Megan Fox, makalipas ng 15 years e mukha na siyang dinosaur sa Jurassic Park."

Pero, dapat bang ganito tayo? Dapat bang ipagpatuloy ang ganito?

Kayo na ang makakasagot niyan.

Thursday, March 25, 2010

On Gays and Homosexuals

Pauwi ako nung mga oras na yun nang makita ko itong poster na ito sa isang kalsada. Medyo nainis ako dito kasi sobrang pang-asar sa mga bading e.

Inis lang ako sa sobrang diskriminasyon sa kanila. I'll expound on this more. But the main point is this: BAKIT SOBRANG INIINSULTO NATIN ANG MGA HOMOSEXUALS, ESPECIALLY YUNG MGA BADING?

I'll be writing in line sa mga bading.
First and foremost: Hindi nila kasalanan na maging bading sila. I bet sometime in their lives, something happened to them like someone molested them, o di kaya walang strong father figure sa house kaya ganun, o di kaya noong bata pa sila e binugbog sila ng tatay nila kasi nagbabading-badingan sila (gaya ng naging karanasan ni Rustom). Maraming mga bagay na puwedeng i-point na dahilan. Pero kung sila din lang, malamang sa hindi e ayaw nila sa kanilang sitwasyon.

Second: Tao rin sila. Ito siguro ang hindi maintindihan ng ibang mga tao. Minsan, iniisip nila na mga surot o sakit sa buong lipunan. Parang isang ketong na magiging bading ang mga batang nakikipaglaro sa mga bading. No wonder na pati yung mga bata ay sinisigaw nilang bading ang mga tao kapag alam nilang bading sila.

Walang problema sa akin kung may mga kaibigan akong bading. Ang hindi ko lang siguro masisikmura e yung mga sexually-active na mga bading. Bakit? Kasi alam ko na hindi tama ang ginagawa nila. Ika nga sa isang kasabihan: Adam is for Eve and never for Steve. Pero tinutulungan ko sila kahit paano na bumalik sa tamang landas sa kanilang tunay na kasarian.

Sana mabasa ito ng mga taong galit sa bading. Sana mabasa ito ng mga bading na rin para mas maintindihan nila ang tunay nilang pagkatao.

The Kiss my Ass Club

Power.

Ang laki talaga ng nagagawa nito sa tao. Dalawang bagay lang ang alam kong puwedeng gawin ng isang tao kapag may kapangyarihan: either gamitin niya ito para sa kabutihan at ikabubuti ng paligid niya. O, puwede ring gamitin para baliktarin ang isang tao at mapasama pa sa kanya ang isang bagay.

Ang kapangyarihan nga naman. Kung meron ka nito e parang hawak mo na ang buong mundo o kaya ang bawat leeg ng bawat tao sa ilalim niya. Kaya niyang gawin ang kahit anong bagay.

Natural na ito kung tutuusin, at nasa tao rin naman kung paano niya gagamitin yun. Pero ang hindi ko maintindihan at gustong isigaw ang mga katagang BAKIT GANON ay kung bakit may mga tao na gustong dumikit sa taong may kapangyarihan. Yun bang, kahit anong gawin ng kanyang boss e gagawin niya. O kaya gagawin ng taong yun ang lahat para maging mabango sa kanyang boss.

Nakakainis mang isipin, pero hindi ko pa rin ito maintindihan. Ang nagiging labas nila e yung parang nasa picture: napapasama sila sa Kiss My Ass Club ni Mcmahon. Nakakainis kasi dahil sa mga "cronies" na ito (from here, I'll call them cronies) e sila yung mga nagsi-siga-sigaan sa kung saan man. Tapos kung may nangyaring masama e parang silang mga batang tumatakbo pauwi sa kanilang mga nanay o tatay.


Hay... tao nga naman. Kung nakikita lang nila ang kanilang mga sarili sa labas.

Wednesday, March 17, 2010

Kawawa naman si Batman


"Bahala na si Batman!"

Isang common na kasabihan ng mga tao ngayon, lalo na kapag hindi na nila alam ang kanilang gagawin o kung aasa na lang sa pagkakataon. 

Pero naisip ba ninyo kung bakit si Batman na lang? Bakit hindi puwedeng si Superman? O si Wonder Woman? O di kaya si Ironman (ipapalabas nga pala yung Ironman 2 dito sa Pinas sa April 2010)?


O di kaya locally. Bakit hindi, "Bahala na si Panday", o di kaya, "Bahala na si Darna"?


Siguro kung may totoong "Batman", magtataka yun ng husto. Malamang yan ay magtatanong yan ng ganito:


BAKIT AKO NA LANG?!?! ANO BA ANG KINALAMAN KO DIYAN SA MGA PROBLEMA NINYO?!?! BAKIT LAGI NA LANG AKO?!?!

Wednesday, March 10, 2010

Badge (Not) Honored


Ito ang sigaw ng ilang mga bus na minsan ay makikita mo bago ka sumakay. Minsan malaki, minsan ay kulay pula. Pero may ibang mga bus na wala nito.

Dati, hindi ko ito pinapansin. "Ano'ng badge yung iniisip nila?" ang tanong ko lagi sa sarili ko noon. Hanggang sa kaninang umaga lang, habang nakasakay sa bus e nakumpirma ko yung ibig sabihin.

May katabi kaming isang pulis na naka-uniporme na kasabay namin ng girlfriend ko na sumakay ng bus. Malamang ay kagagaling lang sa kanyang duty at pauwi na siya. Yung kundoktor e nasa unahan ng bus at nagsisimula na siyang mangulekta ng bayad.

Nang malapit na yung konduktor, kinuha ko na yung aking pamasahe at hiningi ko rin yung pamasahe ng girlfriend ko. Tinignan ko siya kung magbubunot siya ng pera niya para pambayad.

Hindi siya gumalaw. Feeling ko e nasa trance siya o kaya e iniisip niya na nasa duty pa rin siya.

Pagdating niya, binigay ko na yung bayad namin. Saktong pera lang at barya kasi umaga nun. Pagkatapos namin ay yung ibang mga katabi ko. Pagdating niya sa pulis, hindi niya hiningi yung bayad niya.

Uulitin ko uli.

HINDI NIYA HININGI YUNG BAYAD!

Nadagdagan pa ito.

May isang lalake na parang nakapambahay o parang nakabihis-karpintero na nakaupo sa harap niya at malapit lang sa akin. Pagdating ng konduktor sa mamang yun, naglabas lang ng kanyang pitaka at pinakita niya ang kanyang ID sa konduktor. Nakita ko ang kanyang ID, pero hindi ko sigurado kung may nakita akong PNP logo. Nang makita ito, hindi na hiningi yung kanyang bayad.

Sa aking pagbaba, napaisip kami:

BAKIT HINDI NAGBABAYAD ANG MGA PULIS, O KAYA ANG MGA NASA MILITAR?

Binabayaran ba ng mga HQ ng mga pulis o mga sundalo yung mga bus? Kasi itong mga konduktor na ito ay nagtatrabaho ng husto para lang kumita at merong maiuwi sa kani-kanilang mga pamilya. Ang bawat sentimo o pera na hindi binabayaran ng mga pulis kapag sila ay nakasakay sa bus ay paniguradong binabayaran ng mga konduktor na ito. Kawawa naman sila.

BAKIT GANON ANG MGA PULIS?!?! MAGBAYAD SANA KAYO SA KANILA!


Nawa'y may bigay ng liwanag sa tanong na ito.