I've been a fan of Survivor Heroes vs Villains. At nakakainis kasi may mga kumakalat nang mga boot list sa kung sino ang susunod na matatanggal doon. Pero ang mas nakakainis kasi may mga nagpo-post sa kung sino ang "allegedly" na mananalo doon.
Naisip ko lang: Bakit ganon na may mga spoilers at sobrang sinisira nila yung suspense and thrill of the series? Well, yeah right! May mga ayaw kasing panoorin ang buong series or movie because of some reason. Pero don't they have any respect sa mga gustong mapanood ito? Ano ba ang makukuha nila nito? Na alam nila kung ano ang magiging katapusan nito? Sige alamin na ninyo kung ano ang katapusan. Pero please! Respeto naman sa mga gustong mapanood ito at malaman ang buong kuwento.
May mga bagay ba kayong hindi maintindihan? O mga bagay na nakakapagtaka? Pag-usapan natin dito. Kasi kahit kami e gusto naming malaman kung Bakit Ganon.
Saturday, April 24, 2010
Tuesday, April 20, 2010
Pre, CR tayo.
Common na yung eksena na sabay-sabay mag-cr ang mga babae. Common na yung naririnig natin na "Tara cr tayo." "Sige!" Pero naisip ba ninyo na ang sagwang tignan na yung guy e magsasabi sa kanyang kaibigan na, "Pre, cr tayo."
Bakit kaya ganun na kung sa babae, ok lang na sabay-sabay na mag-cr pero kung sa lalake e foul yun?
Sa mga lalake, meron kasing tinatawag na dude etiquette or guy code. Break one and you're considered as gay. Dapat alam ito ng mga lalake. Kung puwede e kabisado by heart at naa-apply sa mga buhay natin.
Bakit?
Kasi iba tayo sa mga babae. Kumbaga, we are considered as hunters, as strong hold, as sturdy people. We are made to protect our wives and our girlfriends. Alangan namang makita natin na yung babae ang magtatanggol sa atin. Parang baliktad naman ata ang mundo di ba?

Ayusin mo sagot mo..
Part 1
Siguro ay pamilyar tayo sa ganitong scenario, at malamang ay nabasa niyo na ito sa text:
TOP 5 NA MALING SAGOT SA MGA MAAYOS NA TANONG
(taken from http://www.symbianize.com/archive/index.php/t-74708.html):
5.) KUMAIN KA NA BA?
sinasagot ng: BUSOG PA KO EH!
***ang sagot na ito kadalasan sinasagot kung walang pera at wala talagang pangkain pero sana sumagot kayo ng tama eh hindi eh minsan pa may halong sagot na DIET AKO EH.. mukha niyo...
#4.) ANONG ORAS KLASE MO?
sinasagot ng: MAMAYA PA!
***ito pa ang isang kamalian, pag tinatanong tayo kung anong oras klase, sinasabing mamaya pa eh napakahaba kaya ng mamaya... marami ring mamaya parang bukas napakaraming bukas...
3.) BAKIT WALA KA KAHAPON?
sinasagot ng: ABSENT AKO EH!
***oo nga absent ka, kaya nga tinatanong kung bakit di ba?
2.) ANONG ORAS NA?
sinasagot ng: MAAGA PA!
***waaaaaaaaah :panic: maaga pa? mukha mo, oras nga tinatanong... oras... orasssssssssssssssssss!
1.) 'SAN KA NA?
sinasagot ng: PAPUNTA NA!
***oo alam naming papunta ka na... ang tanong nasan ka na amp....
(at guilty ako sa sagot na ito. hehehe. ;) )
Part 2
Minsan ay pamilyar din tayo sa ganitong scenario:
Juan: Pare, ililibre kita. Saan mo gusto?
Pedro: Ikaw ang bahala pare, kahit saan e ok lang sa akin.
Juan: Um, MCDO? Jollibee? or Greenwich na lang kaya?
Pedro: Sige, ok lang.
Part 3
Kung ang pwede lang na sagot ay 'Oo' o 'Hindi', ano ang isasagot mo sa tanong na ito:
"Hindi ka ba naliligo?"
Sa pananalita nating mga Pilipino, bakit meron tayong hindi maayos na sagot sa mga maayos na tanong (as with parts 1 & 2), at bakit kapag sinimulan ng salitang 'hindi' ang isang tanong e kahit anong sagot mo sa tanong na yon e negatibo pa rin ang sagot?
Siguro doon sa part 3 e wala talaga tayong magagawang paliwanag dahil ganun talaga ang konotasyong nasa diksyunaryong Pilipino. Pero dun sa unang dalawang eksena lang ako naguguluhan dahil nga naman maayos ang tanong pero hindi pa rin natin ito mabigyan ng tamang sagot. Siguro dahil tamad tayong sumagot ng tama, o may bagay kang itinatago (tulad na lamang sa 'san ka na' na kung tutuusin e nasa bahay ka palang pala pero sinabi mo nang papunta ka na), o kaya naman dun sa part 2 na masyado nating ipinapairal ang hiya.
Itong mga ugaling ganito ay hangga't maaari dapat makontrol para maiwasan natin ang hindi pagkaka-unawaan,miscommunication, di pagkakasundo at kung ano pang klase ng gulong pwede nating maabutan o magawa dahil lang sa hindi maayos na usapan.

Silence means...
Nakasakay ako sa tricycle namin at kakahatid ko lang sa girlfriend ko. Pagod na pagod na ako at antok na antok na ako. Minsan pa nga ay napapapikit ako.
Nang lumiko na kami, sinabi ng driver sa akin, "Ser, pasakayin natin yung babae ha?" Hindi na ako umimik kasi pagod na talaga ako. Eventually, pinasakay rin niya.
Bakit ganun na kapag hindi sumagot ang isang tao sa isang tanong ay kabaliktaran yung sagot? Parang Silence means yes?
Subukan kong hanapin ang sagot dito. For example, tanungin kita ng ganito: Ang mamahal ng mga binibili mo ah? Siguro P30,000/month ang sweldo mo noh? Kung titignan kita at hindi ka sumagot, possible na huhugutin ko ang sagot sa kung ano ang gusto kong sagutin mo. Pero hindi sa lahat ng bagay ay ganun na nga. Marami ang puwedeng sagot dito ng isang tao:

- Nasa reaction niya yung sagot (ika nga action is better than the response).
- Puwedeng baliktarin niya ang sagot (yan e kung magaling kang mag-control sa mga reactions na puwede mong baliktarin)
- Ayaw ka lang sagutin.
Thursday, April 15, 2010
Pilipinong Pelikulang Pag-ibig
Kakapanuod ko lamang kahapon ng pelikula nina Sam Milby at Anne Curtis na pinamagatang, Babe, I Love You. Inpernes sa kanilang dalawa, maayos naman nilang nagampanan ang role nila: si Sam bilang isang mayaman na Architecture professor, at si Anne bilang isang low class promo girl na hindi nakatapos ng pag-aaral, which is something quite unexpected for her.
Hindi ko rin maikakaila na gusto ko ang pelikula nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na BFGF: My Best Friend's Girlfriend. Natuwa rin ako sa roles na ginampanan nila kasi hindi ko nakitaan ng effort. Si Richard ay isang mayamang gimikerong bum habang si Marian naman ay isang mahirap na working student na suma-sideline din para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya niya.
Nagustuhan ko rin ang pelikula nila John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na Very Special Love pati na ang sequel nitong You Changed My Life. Kwento ito ng isang mayamang may-ari ng kumpanya na si Miggy na nainlab sa kanyang maalagang sekretarya (na galing sa isang mahirap na pamilya) na si Laida.
Oops! Wala ba kayong napansin sa mga characters na binanggit ko? Parating mayaman at mahirap ang nagkakainlaban. Tingin niyo, talaga bang ganito sa totoong buhay?
Bakit ganun ang mga sikat na Filipino love story movies? Kahit sabihin natin na medyo iba, pero bakit hindi nagkakalayo ang mga protagonists sa story? Laging ala-Cinderella? At tsaka, aminin mo. Sa tuwing manonood ka ng pelikulang ganito ay sobrang predictable ang storylines. Laging alam mo na kung ano ang magiging katapusan. Laging happy endings. Bakit kaya? Sana naman dumating sa point na makaisip sila ng bagong storyline na hindi mabibigo ang mga tao.
Tulad ng mga indie films. Trailers at teasers pa lang e alam mo namang dapat abangan at hindi dapat ismolin ang kwentong ihahatid nito. Pero bakit hindi ito masyadong advertised sa publiko?
Whatever sense this may make, movies are still part of a Filipino's culture. Pero ang mas mahalaga, suportahan pa rin natin ang lahat ng pelikulang Pilipino.

Miss, pa-scan po...
Miss, pa-scan po?
Malamang ay ilang beses na kayong nagpa-scan ng mga pictures ninyo sa isang internet cafe na kahit saan ka man tumingin ay merong internet cafe.
Pero kayo ba ay nagtataka kung bakit mahal ang magpa-scan ng picture sa kanila? Bakit ba ganun? Gaya ng sa netopia na P50/piece ang price nila. O gaya ng isang shop dito na P60/piece ang scan nila. Wala namang output na may malaking cost gaya ng pagprint ng mga pictures. Isang saved file lang naman yun. I bet walang cost yun sa kuryente halos (unless naman e hindi nila papatayin yung scanner nila at sa mga customers nila icha-charge yun).
Pero sana lang, kung may fee ang pag-scan ng mga pictures ay dapat hindi gaano mahal. Sabihin nating P10/piece or P15/piece. Ok na yun siguro. Pero hindi yung P50/piece.
Maawa naman kayo sa aming mga consumers. :(

Monday, April 5, 2010
Bulag, pipi, bingi
Napapansin ko lang ito lately...well matagal na talaga.
Nasa kultura ba nating mga pinoy na ayaw kumprontahin ang mga taong may issue sa atin? O di kaya e kinikimkim lang yung sama ng loob hanggang sa pumutok?
Marami akong kilalang ganitong tao. Makagawa lang ng mali, ikikimkim yung galit. Sasabihin nilang kakausapin sila, pero wala rin. Kung kakausapin mo o kaya e magso-sorry, sasabihin nilang ok sila. Pero pagkatalikod e iba naman pala ang pakiramdam. Iba ang kanilang mga saloobin sa taong yun.
Ganito ba talaga tayo? Parang nagiging plastik tayo e.
Bakit ba tayo ganyan?!?! Bakit ba maraming mga tao na ayaw ng confrontation? Bakit may mga tao na sasabihing kakausapin sila, then wala ring mangyayari? Hindi ba kayo nahihirapan sa ganitong sitwasyon?

Subscribe to:
Posts (Atom)