Tuesday, September 7, 2010

Blackboard na green

Common ito sa mga classrooms at sinusulatan pa (madalas e sinusulat dito e yung mga katagang "Noisy Boys/Girls", "Standing", "Good Boys/Girls").

Yes! Ang tinutukoy ko dito ay yung blackboard na ilang taon din nating nakasama noong tayo'y nag-aaral pa.

Pero ito ang hindi ko maisip. Hindi ko maisip kung bakit ang blackboard sa mga schools ay kulay green? Kung yun yung susundan nating logic, dapat sana e "greenboard" ang tawag doon.

Bakit nga ba ang blackboard e kulay green? Hindi kaya e naubusan ng pintura si kuya painter kaya kinulayan na lang ng green? O di kaya dahil may relaxation effect ang kulay green sa ating mga mata kaya madalas tayong tulog (oops, ang tamaan ay wag magalit kasi minsan gawain ko rin yan).

Pero kung ano man yan, laking tulong din sa atin yun dahil naisusulat doon ang lahat ng mga aralin na dapat nating matutuhan sa araw na yun.

2 comments:

  1. Originally, blackboards where indeed black. But since hindi appealing ang black, naging habit na to paint writing boards green. Pero blackboard pa rin ang tawag. Parang black box (ng eroplano) kahit pa orange ang kulay. Habits die hard kasi. Yang Don Chino Roces bridge, hanggang ngayon, Mendiola pa rin ang tawag.

    ReplyDelete
  2. dati daw talagang black ang kulay ng board, straining daw sa mata as chalk being white against it. so ginawang green para less strain... it was told by my teacher in elementary kasi tinanong ko na rin dati yan... :D didn't verify kung talagang totoo but logical naman kaya di na ko nagimbestiga pa..

    kingfsx

    ReplyDelete