Thursday, May 27, 2010

Nadaya ako!!!!

Kakatapos lang ng National Elections at alam na natin malamang kung sino ang mananalo. Mataas na rin ang pag-asa na this time, bawas na rin ang mga issues ng pandaraya dahil sa automation.

Unfortunately, hindi yata nangyari ang inaasahang pagbawas ng pandaraya dahil sa paglantad ni Koala Boy. At ito na rin ang katanungan ko dito.

Bakit ganon na dito lang (siguro) sa Pinas ay walang natatalo pagdating sa eleksyon? Bakit ganon na alam nang natalo na, sasabihing nadaya pa sila?

Maiintindihan siguro natin na malaki ang posibilidad na magkaroon ng pandaraya sa manual elections. Nandoon yung magbabasa ng balota na hindi mo alam kung tama ang kanyang binabasa. Nandoon ang nagta-tally na hindi mo alam kung marunong ngang magbilang o makinig.

Pero dito?!?!

Kanina ay humirit ang dad ko tungkol diyan. Sabi niya na kaya nagkakaganyan ay para masabi na hindi rin tama ang automated elections, na mas mabuti na bumalik na lang sa manual elections. Bakit? Para makapandaya ng malawakan.

Pero sa mga kandidato naman, kaya siguro ay hindi nila matanggap ang kanilang pagkatalo ay siguro sa isang kadahilanan na naisip ko: Sobrang kampante sila na mananalo sila kaya noong nalaman ang results ay sumusugod sila Comelec para sabihing nadaya. I bet e kumukuha sila ng kung sinong tao para sabihing nagkaroon ng dayaan.

No wonder na hindi umuusad ang ating bansa dahil lagi nating naiisip na nadadaya sila. Sana baguhin natin itong ating ugali. Nakakahiya sa mga bansa sa paligid natin na automated na nga tayo, nadadaya pa rin.

2 comments: