Bakit walang suporta sa mamamayang Pilipino ang Korong Pinoy? Bakit ang tingin ninyo e corny siya?
Well, ito lang ang naiisip ko kung bakit tayo ganito.
- Sa pananaw ko at sa aking obserbasyon, kapag sinabing choirs e ang laging naiisip e pang-simbahan lang. Yung mga matatandang kumakanta sa simbahan tuwing may misa na parang si Pilita Corales (tama ba ang spelling). Pero hindi lang yun hanggang doon. Salamat sa Philippine Madrigal Singers at iniba nila ang hitsura at timpla ng korong tunog at mga kanta. Dahil sa kanila, pati yung ibang mga sikat na kanta ay ginagawa nilang pang-koro gaya ng mga nasa ibaba.
- Isang pananaw ko e kasi mas sikat yung mga rakista bands at ibang mga OPM bands. True enough nga na ganun. Pero hindi ba't art din ang mga korong mga kanta? Tsaka, ang korong boses ang pinaka-pure at pinaka-sariwa sa lahat. Iniiwasan nga ang pagsira nito at pinanatilihing maayos ang boses. Di gaya ng iba na tila inilalabas pa nila ang kanilang mga lalamunan hanggang sa sumikat.
Panoorin ninyo itong mga videos na ito at sana maliwanagan kayo.
Mahal Kita Kasi (Coro de Sta Cecilia)
Nobody (UE Chorale)
Iisang Bangka (Ateneo Glee Club)
Your Love by Alamid (Novo Concertante)
No comments:
Post a Comment