Thursday, May 27, 2010

Nadaya ako!!!!

Kakatapos lang ng National Elections at alam na natin malamang kung sino ang mananalo. Mataas na rin ang pag-asa na this time, bawas na rin ang mga issues ng pandaraya dahil sa automation.

Unfortunately, hindi yata nangyari ang inaasahang pagbawas ng pandaraya dahil sa paglantad ni Koala Boy. At ito na rin ang katanungan ko dito.

Bakit ganon na dito lang (siguro) sa Pinas ay walang natatalo pagdating sa eleksyon? Bakit ganon na alam nang natalo na, sasabihing nadaya pa sila?

Maiintindihan siguro natin na malaki ang posibilidad na magkaroon ng pandaraya sa manual elections. Nandoon yung magbabasa ng balota na hindi mo alam kung tama ang kanyang binabasa. Nandoon ang nagta-tally na hindi mo alam kung marunong ngang magbilang o makinig.

Pero dito?!?!

Kanina ay humirit ang dad ko tungkol diyan. Sabi niya na kaya nagkakaganyan ay para masabi na hindi rin tama ang automated elections, na mas mabuti na bumalik na lang sa manual elections. Bakit? Para makapandaya ng malawakan.

Pero sa mga kandidato naman, kaya siguro ay hindi nila matanggap ang kanilang pagkatalo ay siguro sa isang kadahilanan na naisip ko: Sobrang kampante sila na mananalo sila kaya noong nalaman ang results ay sumusugod sila Comelec para sabihing nadaya. I bet e kumukuha sila ng kung sinong tao para sabihing nagkaroon ng dayaan.

No wonder na hindi umuusad ang ating bansa dahil lagi nating naiisip na nadadaya sila. Sana baguhin natin itong ating ugali. Nakakahiya sa mga bansa sa paligid natin na automated na nga tayo, nadadaya pa rin.

Wednesday, May 12, 2010

O Sucat, Sucat, Sucat!!!

Nung nasa college pa ako, ganito ang scenario pag uuwi ako ng medyo malalim na ang gabi at sasakay ako ng FX na biyaheng Sucat.

Barker ng FX: O Sucat, Sucat, Sucat oh..
Pasahero, lalapit sa barker: Bos, Sucat?
Barker ng FX: Oo, Sucat!!!

Applicable din yang eksena na yan sa Bus, Jeep, at sa kung ano pang pampublikong sasakyan.

Pero, bakit marami sa atin ang ganito?

Dahil ba hindi tayo marunong makinig?
Pwede, o kaya naman e hindi natin ito narinig, kaya naman ating nililinaw lang.
Mahirap na kasi kung mali ang byaheng ating sasakyan, tayo rin naman ang malulugi.

Pero siguro, mas maganda rin kung pakikinggan na lang natin, o kaya, gawin nating less-redundant ang sitwasyon, parang ganito:

Barker ng jeep: O DOST-Bicutan oh!!
Pasahero, lalapit sa barker, tinuturo yung jeep na maaaring tinutukoy ng barker: Bos, dito po ba?
Barker ng jeep: Oo, diyan! Sige, sakay na, DOST-Bicutan yan!

O diba, mas maayos ang usapan. ;)

Tuesday, May 11, 2010

Korong Pinoy: Bakit Walang Suporta

I'll go straight to the point.

Bakit walang suporta sa mamamayang Pilipino ang Korong Pinoy? Bakit ang tingin ninyo e corny siya?

Well, ito lang ang naiisip ko kung bakit tayo ganito.
  1. Sa pananaw ko at sa aking obserbasyon, kapag sinabing choirs e ang laging naiisip e pang-simbahan lang. Yung mga matatandang kumakanta sa simbahan tuwing may misa na parang si Pilita Corales (tama ba ang spelling). Pero hindi lang yun hanggang doon. Salamat sa Philippine Madrigal Singers at iniba nila ang hitsura at timpla ng korong tunog at mga kanta. Dahil sa kanila, pati yung ibang mga sikat na kanta ay ginagawa nilang pang-koro gaya ng mga nasa ibaba.
  2. Isang pananaw ko e kasi mas sikat yung mga rakista bands at ibang mga OPM bands. True enough nga na ganun. Pero hindi ba't art din ang mga korong mga kanta? Tsaka, ang korong boses ang pinaka-pure at pinaka-sariwa sa lahat. Iniiwasan nga ang pagsira nito at pinanatilihing maayos ang boses. Di gaya ng iba na tila inilalabas pa nila ang kanilang mga lalamunan hanggang sa sumikat.
So ito pa lang yung mga alam kong mga kadahilanan. Sana mabuksan pa natin ang ating mga isipan tungkol sa koro. Sana magustuhan din natin at mabigyang pansin pa ang ating mga koro at hindi lang puro mga OPM at rakista bands lang.

Panoorin ninyo itong mga videos na ito at sana maliwanagan kayo.

Mahal Kita Kasi (Coro de Sta Cecilia)



Nobody (UE Chorale)


Iisang Bangka (Ateneo Glee Club)




Your Love by Alamid (Novo Concertante)