Nung minsang pumunta kami sa Tambalan (Love Radio 90.7), nagtanong si Nicolehyala on air na ganito (or something like this):
Bakit ganon na kapag rush hour, ang bagal ng daloy ng mga sasakyan? Hindi ba dapat mabilis ito?
Oo nga naman! May point siya kasi ang weird na dapat kasi kapag rush hour e mabilis ang takbo ng mga sasakyan. Kaya lang, hindi ganito at nararanasan ito talaga kapag bumabiyahe na sa EDSA at Biyernes pa.
Pero bakit kaya ganun? Siguro kasi ang mga tao e nag-aagawan sa kalsada (nabibitbit na pala ang sasakyan) para lang makauwi. Sa sobrang excited, kinakalimutan na may mga ibang nagba-biyahe. Ayun, aksidente ang kinahahantungan ng iba.
Minsan (o lagi), may mga pasaway na driver na sobrang angas at inconsiderate sa ibang mga nagmamaneho. Minsan nga e yung sinasakyan kong bus ay ang tagal nakatigil sa may Mantrade e walang sumasakay na pasahero. Busina ng busina ang mga kotse sa likod niya, pero yung konduktor pa yung galit. Kainis lang talaga!!!
Oh well, ang weird lang ng rush hour natin dito...

No comments:
Post a Comment