Common na yung may nakikita tayong mga piano sa isang sala. Minsan ay medyo may kalumaan, minsan e parang mga 5 years pa lang na tumatagal o kaya mga 7 years na rin. Ang mga nakapatong dito e kung hindi mga family pictures e parang altar na may mga bulaklak pa.
Sa unang tingin, iisipin natin baka may marunong tumugtog ng piano o kaya e expertong tumugtog nito. O di kaya ay graduate ng College of Music.
Pero minsan (at hindi ko alam kung napapansin ninyo ito) na kung magkakaroon ng family picture, lahat sila ay naka-pose sa harap ng piano.
Napapaisip ako minsan kung Bakit kapag may mga picture-picture ay sinasama lagi ang piano sa eksena?
Nang minsang pumunta kami ng family ko sa isang reunion sa BF Homes mga 10 years nang nakaraan siguro para sa reunion ng mga ex Marist, may sumigaw na "Picture picture!!!!!" at ayun, nagpuwestuhan sila sa harap ng piano. Pero nung tinanong ko kung sino ang tumutugtog, wala namang marunong tumugtog nun. Feeling ko e minana lang yun.
Ito siguro ang mga naiisip ko kung bakit gustung-gusto na magpapicture sa harap ng piano. Siguro...
- Kaya gusto nilang isama yung piano sa picture e kasi maganda siya.
- Gusto nila isama yung kanilang kanunu-nunuan nila na marunong mag-piano sa picture (awoooo...)
# 3. Kasi mahal ang piano?
ReplyDelete- Side question: Ano ang kinalaman ng pianono sa piano?