Wednesday, June 9, 2010

Piano sa Sala


Common na yung may nakikita tayong mga piano sa isang sala. Minsan ay medyo may kalumaan, minsan e parang mga 5 years pa lang na tumatagal o kaya mga 7 years na rin. Ang mga nakapatong dito e kung hindi mga family pictures e parang altar na may mga bulaklak pa.

Sa unang tingin, iisipin natin baka may marunong tumugtog ng piano o kaya e expertong tumugtog nito. O di kaya ay graduate ng College of Music.

Pero minsan (at hindi ko alam kung napapansin ninyo ito) na kung magkakaroon ng family picture, lahat sila ay naka-pose sa harap ng piano.

Napapaisip ako minsan kung Bakit kapag may mga picture-picture ay sinasama lagi ang piano sa eksena?

Nang minsang pumunta kami ng family ko sa isang reunion sa BF Homes mga 10 years nang nakaraan siguro para sa reunion ng mga ex Marist, may sumigaw na "Picture picture!!!!!" at ayun, nagpuwestuhan sila sa harap ng piano. Pero nung tinanong ko kung sino ang tumutugtog, wala namang marunong tumugtog nun. Feeling ko e minana lang yun.

Ito siguro ang mga naiisip ko kung bakit gustung-gusto na magpapicture sa harap ng piano. Siguro...
  1. Kaya gusto nilang isama yung piano sa picture e kasi maganda siya.
  2. Gusto nila isama yung kanilang kanunu-nunuan nila na marunong mag-piano sa picture (awoooo...)
Weird lang talaga kung bakit ganun... Oh well... Hehehe!!!

Thursday, June 3, 2010

Si Nena ay buntis na...

Noong mga mid-90s (malamang e bata pa ako noon), natatandaan ko pang hindi pa talaga uso yung mga nabubuntis ng maaga. Alam kong laganap ang porn na noon, pero wala akong nababalitaang nabubuntis ng maaga...like sobrang aga.

Siguro noong pagpasok ng mga year 2000 e doon na nagsusulputan ang mga buntisan. Mas malala siguro ngayong panahon kasi kahit 14 years old e buntis na (may nakilala ako noon na ganito ang sitwasyon).

Alam naman nating isang malaking problema ito sa society natin kaya dapat bawat isa sa atin ay gumawa ng mga tamang hakbang kung paano ito mapipigilan. At hindi through condoms and contraception kasi hindi ito tinuturo at sinusuportahan ng simbahan.

Enough muna about that.

So habang tumatagal, marami akong napapansin tungkol dito. At isa sa mga ito ay ang aking katanungan: Bakit ganon na mas maraming nabubuntis na babaeng magaganda kesa mga panget?

Note: I'm not asking this dahil I support pre-marital sex. Nagtatanong lang based on observations.

Napapaisip ba kayo kung bakit ganon, lalo na sa ating mga lalake?

Naalala ko tuloy mga 5 years ago na may crush ako na nahihiya akong ligawan. Maganda siya and maraming nagkakagusto sa kanya. Well, nandoon na ang moves and slowing going to asking her na ligawan ko siya. UNTIL dumating sa point na tumawag ako sa kanya para i-ask na liligawan ko siya. Kaya lang, nalaman ko noon na buntis siya at ikakasal na siya within 2 weeks.

Nalugmok ang mundo ko at hindi ko namalayang may tumutulo na pala sa mga mata ko...at sa ilong.

In short, umiyak ako ng husto. At wala na akong ibang naisip kung hindi pumunta sa isang simbahan at doon na todo umiyak. Nasira kasi ang lahat ng mga pangarap ko and yung mga plano ko for her.

After some years, pumila ako for my enrollment nang narinig ko ang ganitong usapan ng isang girl na maganda and her guy friend.

Guy: Ui, kamusta ka na?
Girl: Eto, ok lang. I'm nursing my 2nd baby.
Guy: Same guy ba?
Girl: Hindi. Sa current bf ko.

Lately, nakita namin ng gf ko yung friend ko sa kanyang social network profile na mukhang buntis...or siguro e buntis, pero hindi lang pinapahalata. Honestly, maganda siya and we both agree to this.

Ito lang siguro yung naiisip kong reasons. Kayo na lang ang magdagdag kung may maisip kayo:
  1. Mas nakakagana na makipag-sex kung maganda. Nakakawalang gana kasi kung panget. Parang ganun din sa pagkain.
  2. Hindi lang sila maganda, pero magaling din sila sa kama.
  3. Dahil kasi maganda si babae, napapasarap na feeling nila e nasa porn flick sila. Kaya ayun, nakadisgrasya dahil sa sobrang sarap.
Gaya ng sinabi ko kanina, I'm not promoting pre-marital sex and I will never promote that. Pero sana i-treat natin ang mga babae, lalo na yung mga magaganda, as jewels and treat them right.