Monday, January 9, 2012

Look alike

2 years na kami ng girlfriend ko and marami ngang nagsasabi na nagiging magkamukha na kami. Marami rin ang nagsasabi na dahil sa magkamukha na kami kaya nahahalatang magkakatuluyan na kami.

Pero BAKIT GANON NA KAPAG MATAGAL NG MAGKASAMA AY NAGIGING MAGKAMUKHA NA?


Sa totoo lang, hindi ko alam ang explanation nito. Ang magandang sumagot sa katanungang ito ay itong article na nakita ko sa internet entitled Why some long-time lovers look alike by Kerr Than.

Wednesday, November 9, 2011

Toothpick sa Sandwich

Nagtataka ba kayo at napapasabi na Bakit kailangang may toothpick ang mga sandwiches sa mga sosyaling handaan?


Hindi kayo nag-iisa kasi ganun din ang tanong ko. Gaya ng nasa picture, yun din ang reason siguro kung bakit may toothpick.

Pero habang tumagal, ito yung naiisip kong reason diyan:
1. Posible kasi na para hindi humiwalay ang sandwich kapag kinagat. Nagiging messy kasi habang kinakain natin e.
2. Posible na para rin sa presentation at maging attractive na rin.

Pero kahit ano man yan, sandwich pa rin yan. Masarap kainin. Lalo na kapag masarap ang palaman nito.

Wednesday, August 3, 2011

Be Like Christopher Lao

Habang nagpapahinga sa aking pagtatrabaho, nakita ko ito sa isang friend ko.


Nagtataka ako sa ating mga pinoy. Bakit ganon na sinisisi natin sa ibang tao ang pagkakamali natin?


Siguro kasi nahihiya tayong aminin na nagkamali tayo. O kaya ayaw nating mapahiya dahil sa pagkakamali natin.

Pero ito ang tanong: Sino ang may gawa? Sino ang dapat nakaka-alam?

Sa kaso ni Christopher Lao, alam naman niyang baha  at walang dumadaang tao e sinugod pa niya ang sasakyan niya. Gaya ng sabi ng friend ko, when in doubt in terms of baha, don't go.


Kaya to Christopher Lao,
Mas pinahiya mo pa ang sarili mo sa buong Pinas.

Tuesday, July 26, 2011

Ayaw mo ng compliment?

Common ba sa inyo itong mga linyang ito?

"Ang cute cute mo!"

"Di kaya! Akala mo lang yan!"

Minsang natanong ko ito sa sarili ko: Bakit ganon na kapag sinasabihan tayo ng mga magagandang bagay ay inaayawan natin?


Mabuti na lang at nasagot ito ni Mikey Bustos sa kanyang latest tutorial sa youtube. Halika't panoorin natin.



Monday, July 25, 2011

The Rush Hour na mabagal

Nung minsang pumunta kami sa Tambalan (Love Radio 90.7), nagtanong si Nicolehyala on air na ganito (or something like this):

Bakit ganon na kapag rush hour, ang bagal ng daloy ng mga sasakyan? Hindi ba dapat mabilis ito?


Oo nga naman! May point siya kasi ang weird na dapat kasi kapag rush hour e mabilis ang takbo ng mga sasakyan. Kaya lang, hindi ganito at nararanasan ito talaga kapag bumabiyahe na sa EDSA at Biyernes pa.

Pero bakit kaya ganun? Siguro kasi ang mga tao e nag-aagawan sa kalsada (nabibitbit na pala ang sasakyan) para lang makauwi. Sa sobrang excited, kinakalimutan na may mga ibang nagba-biyahe. Ayun, aksidente ang kinahahantungan ng iba.

Minsan (o lagi), may mga pasaway na driver na sobrang angas at inconsiderate sa ibang mga nagmamaneho. Minsan nga e yung sinasakyan kong bus ay ang tagal nakatigil sa may Mantrade e walang sumasakay na pasahero. Busina ng busina ang mga kotse sa likod niya, pero yung konduktor pa yung galit. Kainis lang talaga!!!

Oh well, ang weird lang ng rush hour natin dito...

Wednesday, July 20, 2011

Sunday, July 3, 2011

Facial Discrimination

Nakatanggap ako ng isang text nung pauwi na ako galing simbahan galing sa isang kaibigan. Ito ang sabi niya.
"Bakit kapag lalaking gwapo ang tumitingin, ang tawag ay CHICKBOY. Pero kapag hindi gwapo, ang tawag ay MANYAK.

Tapos, bakit kapag ang sumusunod ay gwapo, ang tawag ay SECRET ADMIRER. Pero kapag hindi gwapo, ang tawag ay STALKER.

Ito na ang tinatawag na FACIAL DISCRIMINATION.
 
At totoo naman diba? Bakit ganon na pinagbabasehan ang ginagawa ng isang tao sa kanyang hitsura?

Parang kapag may isang gwapo ay aksidenteng nanilip sa isang lalake, hindi siya sobrang magagalit. Pero kapag isang panget na lalake na, ultimo buhay pa niya e kukuhin dahil sa mga hampas na makukuha niya sabay sasabihing MANYAK!!!!!

Nakakapagtaka lang kasi sobrang marginalized na kaming mga panget. Nawalan na nga kami ng kagwapuhan, napapahirapan pa kami dahil sa maling depinisyon...

Kawawa naman kaming mga panget... :(