Miss, pa-scan po?
Malamang ay ilang beses na kayong nagpa-scan ng mga pictures ninyo sa isang internet cafe na kahit saan ka man tumingin ay merong internet cafe.
Pero kayo ba ay nagtataka kung bakit mahal ang magpa-scan ng picture sa kanila? Bakit ba ganun? Gaya ng sa netopia na P50/piece ang price nila. O gaya ng isang shop dito na P60/piece ang scan nila. Wala namang output na may malaking cost gaya ng pagprint ng mga pictures. Isang saved file lang naman yun. I bet walang cost yun sa kuryente halos (unless naman e hindi nila papatayin yung scanner nila at sa mga customers nila icha-charge yun).
Pero sana lang, kung may fee ang pag-scan ng mga pictures ay dapat hindi gaano mahal. Sabihin nating P10/piece or P15/piece. Ok na yun siguro. Pero hindi yung P50/piece.
Maawa naman kayo sa aming mga consumers. :(