Saturday, April 3, 2010

Jessica de Leon III?

Tirso Cruz III
Benigno Aquino III


Ano ang pagkakapareho nila bukod sa mga The Third?

Lahat sila ay mga lalake. At lahat sila ay mga pangalan ng mga lalake.

Naisip ko lang: Meron kayang mga babae na kapangalan nila yung kanilang mga nanay? Parang merong Jessica de Leon Jr., or Jessica de Leon III? Bakit puro sa lalake lang ang puwedeng magkaroon ng Jr o kaya The Third?


Ang alam ko na pagdating sa mga pangalan para sa mga bata, uso na yung pangalang lalake sa mga anak nilang lalake gaya ng kaklase ko dati na Jaime ang pangalan. O kaya yung isang kakilala ko na Lee ang kanyang pangalan.


Bakit hindi kaya simulan na magkaroon ng Jr. o The Third ang mga nanay? Parang Geronica Gesmundo Jr. :)


Bakit hindi noh? Mas ok siguro. :)

2 comments:

  1. meron din naman sa babae, although naencounter ko lang siya once. at hindi siya tulad sa mga lalake na hindi parang nakakahiyang pakinggan. sino ba naman mag-aakala na ang 'Jr' na stereotyped na panlalake e ipapagamit sa babae, tulad ng "junjun"..

    ugh. di bagay. T_T

    ReplyDelete
  2. hahaha.. one sample is yung pinsan ko.. kapangalan nya ung mama nya.. ayaw nya ilagay ung "jra." sa end ng name dahil nga syempre, ampanget haha.. :P

    ReplyDelete