Thursday, June 30, 2011

Usapang Ligo

Kakagaling ko lang sa sakit ngayon and until now masakit pa rin ang ulo ko (boohoo...). Malas ko lang talaga.

At kanina habang naliligo ako, naisip ko lang ang tanong na ito:

Bakit ganon na kapag sinabing "Half Bath", hindi sinasama ang ulo?


Sa pagbuhos ng tubig sa aking katawan, naisip ko na kapag sinabing "Half Bath", dapat mula sa bewang pababa (see image above). Pero hindi ito yung pagkakaintindi at pagkakaturo sa atin nung bata pa tayo.

Naisip ko lang na kaya siguro half bath ang tawag doon ay dahil ang pinapaliguan ay katawan lang (mula bewang pataas) at hindi na halos sinasama ang mga  paa. Pero kung ganito man yun...

Hmm...

Wala na akong maisip!

Basta ganon! Hahaha!!!

Saturday, June 25, 2011

Japan Japan

Common na ba sa inyo ang pose na ito?

For sure e nagagawa ninyo ito once or most of your lives. Pero napapaisip ba kayo kung bakit ganito ang mga poses ng mga nagpapa-picture?


Bakit ganun na tuwing kumukuha tayo ng picture, nagja-Japan-Japan tayo?

Nagsimula ito sa Japan na kung saan may mga hapon na nagpapapicture na may "peace sign". At doon nagsimula ang lahat. Pero kung bakit ganito yung kanilang ginagawa, hindi ko alam.

Pero kung gagawa ako ng assumption kung bakit nila ito ginagawa, siguro ay pampa-cute pa lalo sa picture nila na magmumukha pa silang Hello Kitty. Or siguro para sabihin na, "Ay sorry na nagpapicture ako. Peace po."

Pero kung ano man yan, nalalabuan ako sa pose na ito. Sana may magbigay pa ng liwanag dito.