Tuesday, January 4, 2011

Short-cut daw?

Define "short cut"?

By definition, ang ibig sabihin ng short cut ay yung pinakamaikling daan papunta sa paroroonan (Source). Pero nagtataka ba kayo kung bakit ang shortcut ay malayo pala? Bakit kaya nakasayan na nating tawaging "short cut" ang isang daan na hindi talagang "short cut"?


Kung kukumpyutin mo at susukatin yung talagang daan kumpara sa "short cut" ay mas mahaba pa ang shortcut sa mismong daanan. Pero kung iisipin pa sa iba pang paraan, maari na itong daan na ito ay mas mabilis o walang trapik kumpara sa isa. Kaya, bawas ang konsepto ng haba as compared sa normal route at nararamdaman natin na talagang "short cut" nga ito.

Kaya kung magrereklamo kayo kung bakit ang ibang daan ay tinatawag na "short cut", isipin muna natin kung matrapik ba talaga ang talagang short cut nila. Dahil kung hindi, mapapahiya ka lang.

Monday, September 20, 2010

Name your finger toes

Minsang aksidenteng natapakan ko ang paa ng girlfriend ko. Nakasapatos ako nun at nakatsinelas siya. Nung pumunta kami ng ospital, nalaman kong nabali yung isang daliri ng kanyang paa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kung saang daliri sa kanyang paa yung na-aksidente. Ang lagi ko na lang sinasabi sa mga friends ko eto: "Yung ring finger equivalent sa kanyang paa." At nahihirapan ako tuwing sinasabi ko yun. Biruin mo, kailangan kong maglabas ng 7 words or 36 letters para lang pangalanan ko yung daliri niya sa paa compared kung sasabihin kong "ring finger" o kaya "hintuturo". O kaya ang gagawin kong ituturo yung daliri ko sa paa at tatanungin nila, "Saan?"

Bakit ganon na walang pangalan ang mga daliri natin sa paa? Minsang nakakainis isipin talaga na walang pangalan ang mga ito. Hindi mo alam kung paano mo ilalarawan ang daliri mo sa paa.

Sana may mag-isip talaga ng pangalan sa kanila. Kung tao lang sila ay maiingit sila kasi sila lang yung walang pangalan kahit na sila yung may importanteng role para makatayo tayo.

Tuesday, September 7, 2010

Blackboard na green

Common ito sa mga classrooms at sinusulatan pa (madalas e sinusulat dito e yung mga katagang "Noisy Boys/Girls", "Standing", "Good Boys/Girls").

Yes! Ang tinutukoy ko dito ay yung blackboard na ilang taon din nating nakasama noong tayo'y nag-aaral pa.

Pero ito ang hindi ko maisip. Hindi ko maisip kung bakit ang blackboard sa mga schools ay kulay green? Kung yun yung susundan nating logic, dapat sana e "greenboard" ang tawag doon.

Bakit nga ba ang blackboard e kulay green? Hindi kaya e naubusan ng pintura si kuya painter kaya kinulayan na lang ng green? O di kaya dahil may relaxation effect ang kulay green sa ating mga mata kaya madalas tayong tulog (oops, ang tamaan ay wag magalit kasi minsan gawain ko rin yan).

Pero kung ano man yan, laking tulong din sa atin yun dahil naisusulat doon ang lahat ng mga aralin na dapat nating matutuhan sa araw na yun.

Sunday, August 29, 2010

No to Boys with GFs kahit for friends

Years ago, may nakilala akong friend na girl from chat. I gave her my friendster account then and she gave her mine. Nang nalaman niyang may gf ako then, sabi niya na "Si GF na lang ang kausapin mo."

Sabi ko sa sarili ko, "Assuming naman nitong babae ah?"

For you girls, Bakit kayo ganyan na kapag makikipagkaibigan lang ang isang lalake na may girlfriend e lalagyan ninyo ito ng kahulugan?

I know na may mga guys who flirt with girls kahit na they are in a relationship. Pero there are most guys na they are after the friendship. Nakaka-offend sa aming mga guys kapag "inuunahan" ninyo ang lahat ng bagay. Kung itutuloy ninyo yan, for sure e mapapahiya kayo. You lost a good friend and you were hurt dahil naging assuming kayo.

Girls, please (lalo na yung mga bata)! Wag ninyong lagyan ng kulay ang lahat ng bagay. Just accept them as friends. Eventually everything will be clear. By then do your move.

Monday, August 23, 2010

Bakit kay PNoy?

Kanina lang ay nag-message sa akin yung isang friend ko na ang sabi e kasalanan ni PNoy yung nangyaring hostage taking kahapon sa Quirino Grandstand. Hindi ko lang maisip kung Bakit ganon na sinisisi sa kanya yung mga nangyayari sa mundo when kakaupo lang niya?

Tinanong ko siya kung ano ang reason niya at ito ang naging conversation namin sa YM. Take note yung mga comments ko sa kanyang nakakatawa.

Honestly, I didn't vote for Noynoy pero I respect him kasi yun yung boto ng tao. Pero yung isisi sa kanya sa isang bagay na wala siyang kinalaman, ito lang yun e.

May utak ka ba?!?!?

Wednesday, July 28, 2010

Excuse me I sneezed

Nung isang araw (o baka matagal na), bahing ng bahing ang GF ko. And everytime na bumabahing siya, lagi kong sinasabi ay "Bless you!"

Pero hindi ba weird ito?

Napaisip tuloy ako.

Bakit ganun na lagi nating sinasabi na "Bless you" kapag may bumabahing?

Ano kayang blessing ang makukuha nila kapag sinabi nating bless you?

Kung titignan mo nga dapat sa atin yun e kasi yung spurt ng laway kapag bumabahing e napupunta sa atin.
Isipin mo na lang na parang siyang Holy Water na binabasbas sa atin kapag bumabahing ang isang tao (yuck!).

Pero isipin na lang ninyo...

Bakit ganon...

Monday, July 5, 2010

Kainang may tira

Mahilig tayong mga pinoy sa kainan. Sa kahit saang okasyon e laging may kainan kahit simple lang siya o kung engrande. Siguro kasi sa hapag-kainan e nailalabas natin yung mga masasayang mga bagay at mga tsismis.

Pero bakit ganon na laging may tira na isang maliit na piraso ng pagkain kapag sharing ng pangkain?

Siguro e nagkakahiyaan sa kung sino ang kukuha ng last piece. Or baka kasi naghihintay pa sa kung sino ang hindi pa nakakain.

Pero paano kapag nakakain na ang lahat?

Labo lang.

Oh well...